CWMC 7: Mika and Cyril

4.6K 106 9
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

------

Jennyvive's POV

Lumipas na ang tatlong linggo. Ganun parin mag-gf/bf kami ni kenken. Pero hindi turing na girlfriend ang ginagawa niya imbis ginagawa niya akong yaya. Hayop na yun!


FLASHBACK:


Sabado ngayon may laban sila Kenken kaya nasa court kami ng school. Sinabihan na niya akong sumama ako sa kanila, ayaw ko man ngunit wala kong magagawa dahil sa usapan namin at may contract siya.

Maraming nanonood especially ay mga kakabaihan na todo kung tumili sa grupo nila Kenken. Kahit hindi pa nagsisimula ang game ay todo na kung magsipagtilian. Ang lalandi!

 Ang mga kateam niya ay sina  Xander, Mark, Justin at isang lalaking hindi ko kilala. 

"KENKEN!!" tawag ko. Humarap naman siya at ngumiti.

"Oh eto hawakan mo ah, ibigay mo sa amin kapag timeout na." sabay abot ng mga mineral bottle.

Kinuha ko ito at tinanungan siya. Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo bago tumungo sa court. Rinig ko ang singhapan ng mga babaeng nakakakita ng pangyayari. 

Gulat kong tinignan si Kenken na nakahanda na sa larong mangyayari, kinindatan pa ako nito kaya umiwas na agad ako ng tingin. Ramdam ko na nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon hindi parin ako nakakapagpa-doctor siguro sa susunod na linggo.

"Ang landi!" humarap ako sa likod ko. Nandon ang mga limang babae na nakataas ang kilay at masama ang tingin sa akin. May hawak pa silang banner na mayroong mukha ni Kenken. Paniguradong fan ito ni Kenken.

"Sinong malandi? Ako? Baka masampal kita diyan!" sagot ko pabalik. Tinarayan ko nalang sila at hindi na pinansin. Umupo ako sa bench at pinanood na ang nagsisimulang laro nila Kenken.

Sa grupo nila Kenken unang napunta ang bola. Yung Xander ang kasulukuyang may hawak ng bola at pinatalbog ito. Papunta na sila ngayon sa kabilang court, sinubukang harangin ng kabilang grupo si Xander ngunit inikutan niya lang ito at hinagis kay Kenken, nasalo niya ito at diretsong tinira ang bola. Sumakto ito sa net kaya may 3 points na agad ang grupo nila.

Napatakip ako ng tenga ng nagsigawan ang halos lahat ng kababaihan sa court. Jusko! Nagshoot lang nung bola yung tao! Kung makatili! 

Napatingin ako sa grupo ng babaeng sinabihan ako ng malandi. Ayon nagsasambunutan na dahil sa sobrang tuwa sa nangyari. Tangina, mga baliw!

Natapos ang first quarter. Lumapit agad sa kinaroroonan ko ang mga kagrupo ni Kenken pati siya. Tumayo ako, inabot ko isa-isa sa kanila yung mga mineral bottle. 

"Baby" tawag sa akin ni Kenken, humarap ako dito. Bakit kailangang tawaging baby? Punyeta! Kinikilig ako!

"Bakit?" Tanong ko.

"Kunin mo nga sa locker room namin yung towel ko. Nasa upuan lang yun dun naiwan ko kasi."  tumango ako. Tumungo ako sa locker room ng makita iyon ay agad ko 'yong kinuha at inabot kay Kenken.

Nagsimula na muli ang laro ng 2nd quarter. Lamang parin ang team nila Kenken, mukhang magagaling talaga sila sa basketball. Magaling din pala si Mark, grabe ngayon ko lang 'to nalaman! 

Natapos ang  second quarter kaya muling lumapit sa akin sila Kenken, binigay ko ulit yung mga mineral bottle nila.

"Baby" tawag niya. Pangalawang beses! Puta! yung heart ko!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon