CWMC 35: Too much pain

3.2K 67 10
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---


Jennyvive's POV


"50 po diyan"

"Sige isa nga iha"

"Okay po"

Mamaya ang pasok ko ay 10:00 kaya pinagbantay ako ng brutal kong tiyahin.

Palala na ng palala si TABA, nakaraan nakakakita lang siya ng alikabok sa lamesa na pinunasan ko, pinaluhod niya ako sa mga asin.

Dahil wala rin naman akong laban, lumuhod rin ako, awang-awa ako nun kay Jericka dahil iyak siya ng iyak at pinapatigil si Chang pero hindi ito tumitigil sa pagpalo sa akin ng Walis.

Gustong-gusto ko siya sampalin o sambunutan pero mas mahalaga ang kapakanan ko lalo na si Jericka dahil kapag lumaban ako kay Chang ay may mangyayaring masama sa aming dalawa ni Jericka.

"ANO BA JENNYVIVE?! PABAGAL-BAGAL KA DIYAN!! ANG DAMING CUSTOMER OH! BILISAN MO!!" sarap sampalin ng mabahong bunganga ng sumigaw pero sabi ko nga, mas mahalaga ang buhay namin ng kapatid ko.

"MAGC-CR MUNA AKO! BILISAN MO GUMALAW DIYAN!" pagkatalikod ni Chang ay tinarayan ko siya. Kaimbyerna! Pag ako hindi nakapagtimpi!

"Ano po sa inyo?" Tanong ko sa isang nasa mid30 or 40 na lalaki.

May kinukuha ito sa bag niya kaya hindi pa siguro ako masagot. Pero pagkalipas nh ilang minuto ay hindi parin siya tapos magngalalkal ng bag niya.

"Excuse me po, marami na po kasing Customer. Oorder po ba kayo? O mangalngalkal nalang ng bag maghapon diyan?" Hindi ko maiwasan na mairita. Dagdag pa si manong! Si TABA nga mukha pa lang nakakabadtrip na, dumagdag pa siya! Argh!

"Sorry ineng, eto---" naputol ang sasabihin niya ng tumingin siya sa akin. Nanlalaki ang mata nito at literal na nakanganga ang bunganga.

"Manong?" Iniwigayway ko ang kamay sa mukha ni Manong pero nakatulala parin siya sa akin na parang nakakita ng multo.

"Manong? Hello! Alam kong cute po ako, huwag niyo na pong ipahalata!" Medyo nilakasan ko ang boses kaya siguro medyo natauhan na siya.

"Madame?" Mahinang sabi niya pero narinig ko.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Manong! Okay lang po ba kayo? Hindi po ako si Madame, may pangalan po ako!" Napaigtad naman ito ng nilakasan ko na talaga ang boses.

"Ano ho? Oorder po ba kayo?" Iritang tanong ko.

"Ayy. Sorry ineng, Isang Order ng Adobo tsaka samahan mo ng sabaw" habang sinasabi niya iyon ay panay titig niya sa mukha ko.

Ano bang meron?!

"May dumi po ba sa mukha ko?" Tanong ko pero umiling lang ito.

"Kanina pa po kasi kayo tinititigan ang mukha ko eh"

"Ah. W-wala iha" nauutal na sabi niya.

"Take-out po ba itong adobo o dito niyo kakainin?" Tanong ko.
"Dito na iha" tumango ako at nilagay sa plato ang order niya. Pagkabigay ko sa kaniya ay saglit na tinitigan niya ako bago maghanap ng lamesa.

"HOY! BILISAN MO DIYAN!" tapos na pala magc-cr si TABA. Tss! Ingay sarap ihagis mga pagkain sa bunganga niya para matahimik!

Nakita ko na tapos na si Manong kumain at nilagay ang plato niya sa lagyanan kung saan nandoon ang mga hugasan. Sinundan ko siya ng tingin at nanlaki ang mata ko ng pumasok siya sa isang marangyang sasakyan. Wow! Mayaman pala si Manong!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon