CWMC 39: His Confession

3.3K 92 21
                                    

MERRY CHRISTMAS TO ALL ETCHUSERA! :*

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--


Jennyvive's POV


After 2 days..


Hindi ako pumasok ng dalawang araw dahil sa dalawang kadahilanan.

Una, dahil sa hindi ako makamove on sa mukha ni John na nagmamakaawa at sa pagtulo ng luha sa kaniyang mata.

Pangalawa, nagkasakit ang bruha kong kapatid kaya inalagaan ko.


And NOW! papasok na ako! Late na nga ko eh, pero hayaan na.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatakip ako ng tenga ko.

"YOU'RE 55 MINUTES LATE! BAKIT KA PA PUMASOK?!" tss. Bakit ba hindi na ako nasanay kay Balyena? Eh, lagi namang beastmode yan. Lalo na sa akin.

"Tinatanong po ba yan? Syempre ayaw kong lumabas kaya ako pumasok." Nakangiti kong sabi.

Nakita ko naman na namula nanaman siya sa galit. I'm scared! Tss,

"SUMASAGOT KA PA HAH?!!" Pati mga kaklase ko napapangiwi sa sigaw niya. Takte! Ang lakas kasi sobra! Feeling concert kung makasigaw eh.

"Eh malamang! Nagtatanong ka sa akin, kung bakit pa ako pumasok, kaya sinagot ko lang tanong niyo." Psh! Gagawin talaga neto lahat para ipahiya ako eh! Well, hindi niya iyon magagawa blehh!

"Umupo kana sa upuan mo, Ms.Cruz" madiin niyang sabi. Tinarayan ko muna siya ng palihim bago umupo sa upuan ko. Tinitigan ako ni John pero pinukol ko lang siya ng malamig na tingin.


"Goodbye Class" madiin na sabi ni Ms.Pukishian habang nakatingin sa akin pero nginitian ko lang siya pabalik.

Pagkalabas ni Balyena ay sumunod naman si Ms.Brazas na tumingin agad sa gawi namin at mapanuksong ngumiti. Tss lalong dagdag boredom.


"Goodmorning Class!" Nakangiting wika nito kaya nag'Goodmorning too' rin kami.

Unlike kay Balyena mas gusto NILA si Ms.Brazas kasi nga nakikisakay sa mga Joke at hindi KJ. Like ko naman siya eh 'kaunti lang.

"Ms.Cruz, how's your sister?" Tanong sa akin ni Ms.Brazas..

"She's fine" sagot ko.

"Good to hear" kung iba hindi nakikita ang mapanuksong ngiti at tingin ni Ms.Brazas, sa akin KITANG-KITA!

"How about your heart? How's your heart? Feeling well?" Tanong niya habang nginunguso ang katabi kong Paepal.

Sinamaan ko ng tingin si Ms.Brazas kaya natawa siya ng mahina, mga kaklase ko naman ay nagtatakang napatingin sa akin at kay Ms.Brazas Argh!

"Yeah. Super! Super duper!" Maayos kong sagot. *note the sarcastic* psh.

"So, nakaraang araw ay nagkaroon tayo ng Activity kung saan ang dalawa niyong Representative ay nagdamdam at nagwalk-out, hindi lang yan! Sinira pa ang bago kong biling Microphone! Palakpakan natin si Ms.Cruz and Mr.Dela Fuente!" At ang mga gago kong kaklase ay nagsipalakpakan at tumawa ng malakas.

"Walk-out pa more!" Sabay na sabi sa akin ng dalawang peste. Kaya binatukan ko sila rin ng sabay.

"ARAY! Grabe ka talaga sa amin Jennyvive!" Alam ko ngayon na nakanguso 'yang si Xander at Justin. Psh! Mga bakla!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon