CWMC 51

1.6K 34 1
                                    

Here's the update! :) enjoy reading!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

Ayokong pumasok ngayon dahil sa nangyari kagabi. Itetext ko nalang si Kenken kung may assignment ba o kung anong mga lesson.

Kagabi pa panay ang text at tawag ni Kenken sa akin. Hindi ko siya nireply-an o sinagot manlang ang mga tawag niya.

Kung sinagot ko man ang mga tawag niya kagabi ay hindi niya rin ako makakausap ng maayos dahil ang pagiisip ko ay nakafocus sa nangyari sa akin at sa grupo nila Heil. At ayoko pang malaman niya ang nangyari. Ayoko.

Hanggang ngayon ay panay ang text niya ngunit hindi ko na nirereply-an. Hindi ko alam pero ayoko siya makausap.

Paguwi namin kagabi ay nakita kong may kausap si Chang sa Telepono kahit papaano ay may narinig ako.

Papasok na kami sa bahay ni Jericka ng mapatigil kami sa paglalakad. Narinig kasi namin ang nanginginig na boses ni Chang.

Pumunta kami sa bandang gilid kung saan malayo kaming makita ni Chang.

"Oo madam! Pasensya na talaga!"

"Hindi ko sinasadya Madam! Patawarin niyo po ko!"

Kahit Sideview niya lamang ang nakikita namin ay kitang-kita parin namin ang putla ng mukha niya. Halatang takot na takot ito...bakit kaya?

"Hindi ko naman po sinasadyang gawin yon madam! Hindi lang talaga ako makapagtimpi!"

Tumango-tango si Chang na maraming beses parang baliw lang ah.

"O-opo M-madam, Pupunta na p-po, O-opo!"

Matapos nun ay mabilis na lumabas si Chang. Tumatakbo pa.

Kanina pa ako gising mga alas-sais palang ng umaga. Ang dami ng mga nangyari sa buhay ko. Ang dami ng mga katanungan na kahit anong gawin ko ay di ko mahanapan ng kasagutan.

Nakatingin lang ako sa kisame. Nakatulala. Nagiisip kung paano masusulosyunan ang mga pangyayari na hindi ko nais mangyari pa.

Pumikit ako ng mariin, naalala ko nanaman yung pagdakip sa amin ni Heil.

Alam kong ako lang naman talaga ang pakay ni Heil, nadamay lang si Jericka dahil kasama ko siya ngayon.

Napayukom ako ng kamao. Namaga ang pisngi ni Jericka nagkaroon ng sugat. Kahit sabihin pang maliit lang na sugat yun, ang pagsampal sa kapatid ko na walang kalaban-laban ay hindi ko matatanggap. Okay lang naman sa akin kung ako yung sinampal dahil kaya kong tiisin yung sakit. Pero kapatid ko? Hindi ako makakapayag nun.

Hindi ko alam kung bakit ginawa yun ni Heil. Pero kung ano mang dahilan yun ay wala akong pakielam. Ang mahalaga maihaganti ko ang kapatid ko. Doble pa sa sampal na binigay ng isa sa kaibigan ni Heil ang ipaparamdam ko sa grupo nila. makikita nila.

Napahinto ako sa pagiisip ng marinig kong tumunog ang Cellphone ko.

Hindi ko sana sasagutin ng makita ang nasa caller. Si Riri. Kumunot ang noo ko.

Riri:

Vivi. Pumunta ka ngayon sa quadrangle! bilis! Hinihintay ka namin ni Mimi!


Magtitipa palang ako ng irereply ng tumunog muli ang Cellphone ko. Si Mimi.


Mimi:

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon