CWMC 49

2.2K 44 13
                                    

Hey! @SamanthaRascall here's you dedicate! Enjoy reading!!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

Ilang araw na ang nagdaanan, at sa bawat araw na iyon ay mas nakilala ko pa ng lubusan si Angelie lalo na rin si Kenken.

Matapos kong malaman na magkapatid ang dalawa ay sinabi na rin ni Kenken sa buong school at iba pa na may kapatid siya.

Simula non, tuwing vacant ay nakikisabay si Angelie sa amin ni Kenken, syempre mawawala ba naman ang dalawang ugok. Si Xander at Justin.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa bumabalik si Angelie sa America, dahil gusto niya muna daw mag rest at tatapusin nalang daw niya ang 3rd sem namin bago siya makabalik sa America. Gusto daw niya akong mas makabonding kesa sa kapatid niya. Hahaha! Abnormal din 'no?

Kapag naglalakad nga kami papuntang Canteen. Napapatingin ang iba, halata sa mata nila ang kalituhan, curious, galit at inis. Dahil alam ng karamihan na binubully ako ni Angelie at ngayon ay halos kung titignan ay sobrang close kami.

Kiniwento ko rin ang tungkol dito kila Mimi at Riri. Advice lang nila na wag agad akong magtitiwala kay Angelie dahil minsan na siyang nagpanggap ng walang nakakahalata at baka daw ngayon ay nagpapanggap lang na mabait sa akin 'yun.

Napailing nalang ako. Its too late. Sa tuwing magkasama kami ni Angelie ay ramdam ko naman ang sincere at honest niya na gusto niya talagang makipagkaibigan sa akin.

Napakabait ni Angelie sa akin pero sa mga nang aaway sa akin? Hindi, literal na hindi...

FLASHBACK:

Nasa library ako nun, mag-isa lang ako dahil sinabi ko kay Kenken na wag na ako samahan dahil may pupuntahan daw sila nila Justin at para na rin mas makapag focus ako sa ginagawa kong report. Hindi kasi talaga ako makapagconcentrate o focus sa mga ginagawa ko kapag alam kong nasa tabi ko lang siya at sobrang lapit lang niya sa akin..

Naghanap pa ulit ako ng ibang libro na may kaugnay sa subject na pinapareport sa akin ng isa sa mga teacher ko. Kailangan ko na agad matapos yun ngayon dahil bukas na agad ipapasa kay mam 'yun.

Nakakita ako ng isang libro. Napangiti ako. Alam ko kasing nandun na ang lahat ng sagot sa irereport ko. Kukunin ko na sana ng may isang kamay pang nakisabay sa pagkuha ko ng libro. Tinignan ko kung sino yun. Isa pala sa mga kaibigan dati ni Angelie.

Dahil nasa magandang mood ako kaya chill, chill lang Jennyvive. Okay?

Hinarap ko ang kaagaw ko ng libro. Natandaan ko na! Gigi ang pangalan ng babaeng 'to. Natatandaan ko siya dahil isa siya sa mga natulak ko sa pader nung nag away kami ni Angelie sa Cr.

Napatingin ako sa likod niya. Nandoon din ang lima niyang kaibigan niya nakataas pa ang kilay sa akin.

Muli kong tinignan si Gigi na nakataray sa akin ngayon. "Ako ang nauna dito.."

"Kailangan ko na ito ngayon!" Mataray na sagot niya.

"Ako ang naunang nakahanap nito at kukunin ko na sana kaso nakiepal ka.."

"I dont care! I need this now!"

Kinuha niya ang libro, hindi ako nagpatalo. Kinuha ko din. Nag aagawan na kami. Nagkatitigan kami ng masama.

"Bitawan mo na! Ako nauna!" Napapalakas ko ng sabi.

"Ayoko! Kailangan ko na 'to ngayon!---GIRLS!" Napatingin ako sa mga kasama niya. Mabilis silang lumapit sa akin.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon