CWMC 60

2K 39 10
                                    

Enjoy reading! ^_^

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

Ilang araw na rin simula ng sagutan namin ni Kenken. Ilang araw ko na ring hindi siya pinapansin hanggang sa umabot na ng linggo.

Dalawang linggo. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang hindi siya makausap o makasama sa loob ng dalawang linggo na 'yon.

Siguro yung pride ko ang dahilan. Pride na naapakan at nasaktan.

Ilang beses niya rin akong sinusuyo at nagmamakaawang kausapin ko siya. Ngunit hindi parin ako pumapayag, dahil sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Thea ay lalo pa akong nasasaktan.

Alam kong maling-mali itong nagawa ko. Pero masisi niyo ba ko? Nasaktan at nasasaktan din ako ng sobra. Isa rin akong babaeng binabalot ng selos...

Pagsapit ng alas-dos ay pinutol na ang klase dahil ngayong araw magpeperform ang Monocromatic Band.

Halos lahat ng estudyante ay nasa quadrangle na. May mga banner pang dala ang karamihang babae. Mga fans siguro ng grupo.

"Ate!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko.

"Jericka?! Anong ginagawa mo dito?!" Tuluyan na siyang lumapit sa akin. Kasama pa niya si Luke. Hinayaan ko nalang maglandian ang dalawa dahil alam kong hindi pa seryoso sila, mga bata palang sila.

"Manonood ako ng performance ng Monocromatic Band!" Ang laki ng ngiti pa niya.

"May klase ka pa diba?" Umiwas naman siya ng tingin.

"Ahm, ano ate. Pwede hindi muna ako pumasok sa klase? Gusto ko kasi--"

"Hindi pwede." Nagpout naman sa akin si Jericka.

"Pero ateee!! Gusto kong mapanood si Baby Vannn!!"

Kumunot ang noo ko. "Van? Sino 'yon?"

Inirapan ako ni Jericka. "Siya yung vocalist ng banda na Monocromatic! Siya 'yung pinakaidol ko sa lahat! Ang galing-galing niyang sumayaw, kumanta plus the fact na pogi siya at matcho!!--"

"I'm more handsome and sexy, Babe.." napatingin naman ako kay Luke. Masama ang tingin nito kay Jericka.

"Hehe, Alam ko 'yon. Babe Luke, sayo lang ako. Wag kang mag-aalala. Huwag ka ng magselos!" Tumaas ang kilay ko. Selos? May nalalaman pang selos?!

"You should know. You're mine, only mine." Inakbayan pa siya ni Luke at hinapit.

Dinuro ko ang dalawa. "Hoy! Kayong dalawa! Ang landi niyo! Bata palang kayo oy! May nalalaman pa kayong sayo lang ako at your mine! Itigil niyo 'yang kalandian na 'yan!"

"Ate, huwag kang bitter. Don kay kuya John." Poker face pa ang mukha ni Jericka.

"Anong bitter? Hindi no!"

"Huwag ng magdeny pa, halata kaya."

"Yeah." Sinamaan ko ng tingin si Luke. Sumasabay pa eh!

"Hmp! Bumalik na nga kayo sa classroom niyo!" Bigla namang ngumiti sa akin si Jericka, lumapit sa akin at niyakap ako.

"Ate..Joke lang 'yon! Hindi ka naman talaga bitter!--"

"Alam ko na 'yang ganyanan mo, Jericka. Hindi parin pwede, may klase ka--"

"Pero ate--"

"Jericka! Bunsoy, marami pang araw, buwan o taon na pwede mo silang makita o yung Van na sinasabi mo. Pero yung pag-aaral mo, minsan lang 'yan. Kaya pumasok ka na at huwag ng umangal pa."

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon