HAPPY 16K READS HEHEH! ^_^
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
--
Jennyvive's POV
Hindi ko alam pero pag kagising ko kanina ay sobrang saya at kaba ang nararamdaman ko, sobra talaga akong nagtataka.
Ngayon nasa Cr ako, naliligo. Iniisip ko parin ang pinag-usapan namin kahapon ni John, Kapag nagawa niya ang pinapagawa ko na alam kong imposimble, masasabi ko talagang seryoso siya.
Ramdam ko naman ang sinseridad at pagiging determindo ni John sa panliligaw. It's just that, I don't want to feel only, I want to see on my eyes kung gaano talaga o kung totoo ba talagang seryoso siya sa akin.
Minsan kasi kung lagi mong gagamitin ang puso o ang iyong nararamdaman 'yan ang nagiging dahilan kung bakit tayo sobrang nasasaktan.
Aminin man natin o hindi, pero iyon ay totoo. Napatunayan ko na iyon ng sobra akong nasaktan at umiyak kay John kaya gusto ko ngayon maramdaman at makita ang tunay niyang pagmamahal.
"Hoy ate! Dalian mo naman diyan! Baka maubusan tayo ng pwesto sa Jeep! Bakit ba ang tagal mo diyan? Nagfifinger ka nanaman diyan 'no?!"
"FUCKYOU!!" narinig ko lang ang tawang malakas ni Jericka, loka-loka talaga ang kapatid kong 'yon.
Pagkatapos kong maligo at mag bihis, lumabas ako ng banyo. Nakita ko si Jericka na nakasilip sa labas ng pinto namin, titingin sa labas at isisirado tas bubuksan nanaman, titingin sa labas at isisirado.
"Hoy! Jericka anong ginagawa mo diyan?!" Halatang nagulat siya dahil sa bigla kong pagsulpot sa harap niya.
Napahawak naman siya sa dibdib niya. "Peste ka Ate!! Nakakagulat ka!"
"Eh, ano ba kasing tinitignan mo diyan?"
Sumilip muli siya sa pintuan at tuluyan na talaga itong isinirado. "Eh kasi Ate.." sobrang hina ng boses niya na akala mo dapat wala talagang makarinig maliban sa akin.
"Kasi?" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kama, umupo kami doon.
Lumapit siya sa akin. "Ate kanina kasi palabas na ako ng kwarto natin, nakita ko si Analyn at Chang na nasa lamesa.."
"Ano namang mayroon dun?"
"Huwag ka muna magsalita! Di pa ako tapos eh!!" Tumango-tango naman ako.
"Tapos nakita ko rin na may kausap siyang lalaki, naalala mo ba yung nakita kong lalaki? Yung may baril? Yung kwinento ko sayo?" Tumango ako, naalala ko yun.
"Oh ano mayroon sa matandang yun?"
"Kausap siya ulit kanina nila Chang!!" Kausap ulit?
"Anong nangyari pagkatapos?"
"Hindi ko narinig ang pinaguusapan nila, basta nakita ko may inabot ULIT kay Chang na pera yung matanda na yun. Sa tingin ko marami yun! Ang kapal te! Tas kulay blue pa!" Kulay blue? It means isang libo right? Hindi naman pwedeng 200 yun kasi may pagka violet yun.
"Yun lang?"
"Hindi pa Ate! Pagkatapos makuha ni Chang ang pera ay may pinagusapan pa sila tapos..tapos"
"Tapos?" Pabitin 'to!
"Yun ang hindi ko na alam!--ARAY!" Binatukan ko nga. Takte! Binitin pa ako.
"Bwisit ka!"
"Hahaha! Sorry na ate! Pero kaano-ano kaya ni Chang yun 'no?" Napaisip ako.
"Sugar daddy?--OUCH!" takte hinila ba naman yung buhok ko!
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...