CWMC 47

2.8K 63 19
                                    

Sorry for the super late update! THIS IS IT!!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥


Jennyvive's POV

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming nagbibilang muli ng pera si Tyang.

Pagtingin niya sa direksyon namin ay saglit siyang namutla at agad ring nawala. Napalitan ng galit na mukha.

"BAKIT NGAYON LANG KAYO UMUWI?! GABI NA!!"

"Na-Ospital si Jericka--"

"WALA AKONG PAKIELAM!! DAPAT MAAGA KAYONG UMUUWI! WALA NA KAYONG NATUTULONG SA PAMAMAHANAY NA 'TO! aba! Hindi kayo dito senyorita!"

"Na-ospital si Jericka, anong magagawa ko? Alangang iwan ko siya doon!"

"ABA DAPAT LANG! MAS MAHALAGA NAMAN ANG KARINDERYA DITO KESA SA BUHAY NG KAPATID MO NA YAN!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Tyang.

Napaatras naman siya ng kaunti. "Bawiin mo sinabi mo.."

"At anong babawiin?! EH TOTOO NAMAN!"

"Bawiin mo sa--"

"Ate tama na..gusto ko ng magpahinga. Pleasee?" Napatingin ako kay Jericka. Huminga ako ng malalim at tumango.

Inalalayan ko si Jericka. "Tara na.."

"HOY JENNYVIVE!! MAGHUGAS KA NG PLATO!!"

"Jericka mauna ka na sa kwarto mo..susunod ako sayo"

Tumingin sa akin si Jericka. "Ate please.."

"Wala akong gagawing kahit ano Jericka..sige na pumasok kana. Mag iingat ka lang sa paghiga."

Tumango naman si Jericka at pumasok na sa kwarto.

Pumunta na ako sa lababuhan. Hindi ko na pinansin si Tyang. Dinaanan ko nalang siya.

"Masyado kang matapang! Kita mo nga! Susunod ka rin naman pala! Ayusin mo paghuhugas diyan!"

Huminga ako malalim. Tiis Jennyvive

"Ayos rin kayo 'no? Nakikitira na nga lang sa pamamahay ko, ang kakapal pa ng mukha! Kung umuwi dis oras na ng gabi! Hindi pa nakakatulong dito sa Karindirya! Saan niyo ba nakuha 'yang kakapalan ng mukha niyo?"


Tiis Jennyvive


"Naospital lang ang kapatid kung makapagsalita parang namang mamatay na 'yang kapatid mo! Eh mas maganda nga siguro kung nama--"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako kay Tyang at hinawakan ang braso niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo.."

Nakita ko ang takot sa mata niya lalo na ng diininan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Bitiwan mo ko! Kapal ng mukha mo!"


Gusto kong manakit!


"A-aray! Totoo naman ang sinabi ko diba? Wala naman kayong kwenta--Aray!"

"Bawiin mo ang sinabi mo! Pasalamat ka at may respeto parin ako sayo dahil tiyahin parin kita! Pero wag mo isagad ang pasensiya ko! Hindi sa lahat ng oras magpapaapi ako!"

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon