CWMC 31: Look Like

2.9K 69 7
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

After 4 weeks...


"Ready na! Papanoorin na tayo ng mga judge! Ready!"

"Yung mga props okay na ba? Good"

Sa nakalipas na apat na linggo ay marami nangyari.

Halimbawa nalang ang pagiging malamig ko kay Ken--John. Minsan ay kinukulit niya akong kausapin pero hindi ko naman siya pinapansin at kung sasagutin ko man siya ay maikli lang.

Hanggang ngayon sariwa parin yung napanood ko sa Room na iyon kaya sa tuwing kinakausap ako ni John ay hindi ko maiwasang mag-alab ang galit na nararamdaman ko pero mabilis kong pinapalitan ng walang emosyon ang mukha ko. Gaya ng sabi nila Mimi.

Natapos na rin ang aming Test kaya naging mas Focus kami ngayon sa TLOJ.

Ako ang napiling Jessica na gaganap. Nung nalaman ko yon ay gulat na gulat ako, syempre malaking karangalan sa akin ang mapili dahil malaking ang gagampanan ko dun at higit sa lahat maraming deserving na gumanap na Jessica pero ako ang napili kaya kailangan ko talagang galingan.

Naalala niyo naman siguro na napili rin sila Lyca diba? Bigla nalang siyang nawala. Hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya kaya ang ginawa nalang ay ang ipinalit ay si Angelie. Dapat ay magpapa-audition pa kaso Wala eh mayaman yun. Binarayan siguro yung mga judge kaya walang nagawa kundi siya ang pinili.

Kahit iritang-irita ako sa kaniya ay mas natuwa parin ako sa nangyari dahil siya ang gaganap na Claudia ang kontrabida sa buhay pag-ibig ni Jessica at Arthur. Nung nalaman niya na yun ang Role niya ay halos maglumpasay siya sa stage, dapat daw siya si Jessica at ako si Claudia, narinig kong babayaran dapat ni Angelie ang judge pero hindi na tinanggap ito ng mga Judge dahil hindi daw siya bagay sa role na yun. Kaya ako ay pigil na pigil tumawa ng malakas at gumulong-gulong sa stage.

Ako hindi bagay sa pagiging Jessica? Haha papatunayan ko sayong bagay na bagay ako.

Marami siya ginawang prank sa akin, para maipakita na hindi ako bagay sa role na Jessica at nalaman yun ng mga teachers kaya binataan siya na kung hindi siya titigil ay tatanggalan na siya ng role sa TLOJ. Bakit desperadang-desperada siya maging Jessica? Simple lang dahil ang napiling Arthur na kapartner ni Jessica ay si John Kenneth Dela PWEnte! Yun ang mas kinakainis ko! Bakit? Kasi mas lalo kaming magkakadikit at magkakausap, gustong-gusto ko na umalis sa pagiging Role na Jessica pero naisip ko na bakit ako magpapa-apekto? Ano naman kung siya ang magiging katambal ko? Sabi nga nila Mimi, ipakita ko na hindi ako naapektuhan sa kaniya.

Todo Ready ang mga teachers dahil papanoorin ng mga Judge ang mga pinaractice namin sa loob ng apat na linggo.

Bago kasi itanghal ang TLOJ ay dadaan muna ito sa mga Judge at kung sakaling okay na ang ipapakita namin ay itutuloy na namin ang practice hanggang sa mismong tanghalan na.

Pinaghahandaan talaga ito dahil for the first time,
manonood ang kauna-unahang gumanap ng 'Jessica' at napakagaling daw nitong umarte kaya naging sikat ito.

Kinakabahan ako, siyempre ako ang pinaka kailangang galingan para maimpress ang Judge at hindi na ulitin ang pagprapractice namin, alam ko naman na pagod na pagod na ang mga estudyante na napili kasama na ang mga teachers na tumutulong sa amin.



"Jennyvive!" Napatingin ako sa tumawag. Teacher pala.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon