CWMC 37: The TLOJ hurt scene

3K 61 7
                                    

Dedicated to you bebe silent reader! natuwa ako kasi nag-message pa siya sa akin! feeling close with me bebe! :)

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--

Jennyvive's POV


"Ano ba Vivi?! Tumayo ka na nga diyan!!"

"Oo nga! Apat na araw ka ng absent! Aba hindi na yan tama Vivi! Get up!"

"Oo nga te chaka! Tumayo kana diyan!!"

Tinalukbong ko sa mukha ko ang unan. Argh! Ang ingay nila!

"Ayokong pumasok!" Inis na sabi ko. Kanina pa kasi nandito sila Mimi, pilit akong pinapatayo para pumasok.

Apat na araw na akong absent, buti nga wala sila Chang sa hindi ko alam na dahilan. At buti rin President at Vic sila Mimi at Riri, sila na ang nagbigay ng excuse letter sa mga teacher ko.

Ayoko pang pumasok! nahihiya akong humarap kay John! Argh! Ang bobo bobo ko kasi eh! Nagpadala ako sa emosyon ko, ayan tuloy! Nakapagtapat ako ng wala sa oras.

Nagulat ako ng may malamig na tubig na bumuhos sa akin! Fuck! Ang lamig!

Napabangon ako dahil sa sobrang lamig. "Ang lamigggg!!" Sigaw ko.

Nakarinig ako ng hagikgikan at sinamaan ko ang tatlong peste pilit ng pilit sa aking pumasok. At mas sinamaan ko ang kapatid kong bruha na nagbuhos sa akin ng isang tabong malamig!

"Sorry ate! Kanina ka pa kasi sinasabihan diyan eh! Ayan! Nakatayo kana!" Nakangiting sabi ni Jericka.

"Ayoko pa nga kasing pumasok!" Pagmamaktol ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Riri. "Huwag kang mag-inarte Vivi! Ano naman kung nagtapat ka sa kaniya? So what? Porket nagtapat ka, pababayaan mo nalang pag-aaral mo?! Sampal you want?" Seryosong sabi ni Riri. Napalunok ako, paktay. Pag-seryoso na yan, dapat sumunod kana dahil siya ang amazona sa aming magkakaibigan, pagsinampal ka niyan it's either isang buwan bago mawala yung pamumula ng pisngi mo na sinampal niya o mawawalan ka ng malay.

At Oo, alam nila yung tungkol sa pangyayari na iyon dahil sinabi ko, aksidente ring narinig ni Jericka, kaya ng marinig niya yon ay todo tili siya kaya nasampal ko, ayun natahimik.

Sabi naman nila Mimi at Riri, okay lang daw yun atleast nasabi ko na ang kinikimkim ko. Okay lang?! Sure sila?! Hindi kasi sila ang nakakaramdam argh!

"Bibilang ako ng tatlo Vivi, kapag hindi ka pa tumayo diyan at pumunta sa banyo para maligo, sasampalin kita..Isa...Dalawa---"

"Oo na! Oo na! Eto na po!" Tumango naman silang tatlo kaya tinarayan ko sila.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng maligo.

"Dalian mo! Aba! Hindi na nga kami pumasok para mapapasok ka eh! Dalian mo may practice pa daw kayo!" Sigaw ni Riri.

Psh! Ano ba yan! "Oo na! Che!" Sigaw ko pabalik.


--


Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko, hindi dahil sa aircon ng sasakyan nila Mimi at Riri kundi sa kaba mamaya dahil for sure makikita--magkikita nanaman kami ni John!

"Vivi! Huwag ka kasing pahalata na naapektuhan ka!" Ani ni Mimi.

"Eh kung dati kaya ko pa, ewan ko ngayon! Mahirap Mimi! Sobrang hirap!" Sabi ko.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon