Epilogue

3K 35 5
                                    

This is so nakakabitin but I need to do it HAHAHA :)

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--

Matapos kong sabihin na sasama ako sa London, pinagawa agad ako ni Mom ng passport pati si Jericka. Sobrang bilis ng pangyayari dahil ngayon ay nasa eroplano na kami patungo sa London, sabi ni Mom. Doon na daw kami titira for good. Pero kung gugustuhin ko daw pwede rin daw akong umuwing Pilipinas after kong manganak upang makita ang mga kaibigan ko. 

 Napangiti ako ng mapait. Kaibigan? wala na akong kinilalang kaibigan maliban kila Jake matapos kong malaman na lahat sila ay niloko ako at pinagmukhang tanga. 

 "Jennyvive, okay ka lang ba?" 

 "Yes."

 "Yes? yet your crying?" tinaasan niya ako ng kilay. 

 "Huh?" napahawak ako sa pisngi ko at basa nga iyon. Ganoon ba kalakas ang epekto ng ginawa nila sa akin na sa tuwing naalala ko sila ay kusa nalang tutula ang mga luha ko? 

 Pinunasan ko ito at ngumiti ulit kay Van. "Wala lang 'to, mamimiss ko lang ang Pilipinas.."

 Lumapit sa akin si Van, hinila niya ako at niyakap. "Alam kong napakasakit ng nangyari sayo, Everything will be fine once na nakapunta na tayo sa London, Jennyvive. Tutulungan ka namin nila Jake at Mommy pati ng kapatid mo na makalimutan mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Alam kong mahihirapan ka pero alam ko rin, namin na makakayanan mo yan.." hinalikan ako sa ulo ni Van, napapikit ako dahil doon.Sana nga, sana mawala na lahat ng sakit na 'to Van..

 ** 

2 months later..

 "Are you sure you will be fine? Samahan na kaya kita? Medyo malaki na ang tyan mo--""Chill, Van okay? kaya ko ang sarili ko! tsaka pumasok ka na! malalate ka na!" "Ayoko, hindi muna ako papasok--" 

 "Van."

 "Okay,okay." Lumapit sa akin si Van at hinalikan ako sa noo. 

 "Magiingat ka okay?" tumango ako, sinuot niya na ang bag niya at umalis na sa kwarto ko.Dalawang buwan na pala ang lumipas ng dumating kami sa London.

 Mabuti at magaling akong mag-english kaya hindi na ako masyadong nahirapan makisalamuha sa mga tao dito.

 Si Van at Jake ay nag-enrol sa isang paaralan dito sa London. Parehas silang 4th year collage na. Actually, graduate na si Van eh pero gusto daw niya mag-aral daw ulit, trip niya lang daw. 

 Alam ko ring namimiss niya ang banda niya. Umalis na kasi si Van sa micromatic band dahil nga pupunta na kaming London. Pumayag naman agad ang mga kaibigan niya dahil naiintindihan nila ito, maari naman daw siyang bumalik sa banda kung gugustuhin niya, tatanggapin parin nila ito.

 Mas maging protective naman si Van at Jake. Na kahit saan ako pumunta o tumungo ay nakasunod sila o ang isa sa kanila. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko sadyang masyadong OA lang  sila pero hinayaan ko nalang, masarap din kasi sa feeling na maramdaman mong may halaga ka sa isang tao. 

Naisipan kong mag-shopping ngayon. Pampawala lang ng bored dahil lagi ako dito sa bahay. Maganda rin iyon para makapaglakad-lakad na rin ako. 

Mabuti nalang talaga at tinuruan ako ni Jake at Van ng mga daan dito sa London kaya hindi na ako maliligaw dito. Sakay ako ng taxi ngayon patungo sa isang mall dito sa London, hindi ko parin mapigilang hindi mamangha kagandahan ng London. Para sa akin, isa siyang malafantasy na lugar na nagbibigay ng magic at saya sa buhay ko. 

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon