CWMC 30: Pain

4.1K 91 6
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

----

Jennyvive's POV


"HINDI KA NGA NAKAKATULONG SA KARINDERYA TAS GANITONG ORAS KA PA KUNG UMUWI!! ABA JENNYVIVE SUMUSOBRA KA NAMAN ATA!!"

Nakapoker-face akong nakaharap kay Chang. Kanina pa daldal ng daldal yan pero ako Chill chill lang. May nakalagay kasing headset sa likod ko at gamit ko ito nasa pinakasobra volume ang tunog para hindi ko marinig ang nakakarinding bunganga ni Chang.

Bakit siya daldal ng daldal? Simple lang, umuwi lang naman ako ng 6:00 a.m

Kung hindi lang dahil sa Kenken na yun edi sana hindi ako nagtyatyaga sa Chang ko na ito! Edi sana tulog na ko ngayon sa budega hays!


*DugDugDugDug*


Tsk! Naalala ko nanaman yung kanina sa loob ng room.. aish!

"HOY NAKIKINIG KABA?!" Tumingin ulit ako kay Chang na halos mamula na sa galit ang mukha.

Humikab ako. "Hindi ka pa ba tapos?" Bored kong tanong.

"HINDI PA! KAYA HUWAG KANG MAGHIKAB DIYAN!! DAHIL HINDI PA AKO TAPOS SA PAGDADA SAYO!! SAAN KA BA NANGGALING AT GANITONG ORAS KA NA NAKAUWI HAH?! AT ALAM MO BA----

"hindi ko pa alam" paano ko malalaman eh hindi pa naman kami magkasama diba?! 

"MANAHIMIK KA! HINDI PA AKO TAPOS! ALAM MO BANG ANG NAPAKAGANDA KONG ANAK NA SI ANALYN ANG NAGBANTAY NG KARINDERYA!! HAH!! DAHIL YAN SA KATAMADAN MO! NAGKAROON PA TULOY NG EYEBUGS SI ANALYN!!"


whatthefuck? Eyebugs?! Bubuyog ang peg?!


Kahit sobrang antok na ako at sarap gawing couch ang katawan ni TABA ay sinagot ko parin ito. "Nakailang beses ba akong sabi sayo? Diba nga sa school ako galing na lock sa room at ang janitor na ang nag-open sa amin---sa akin"

"At anong pakielam ko kay Analyn? Ano naman kung siya ang nagbantay sa karendirya? Magmukha ngang Sadako okay lang sa kaniya, magkaroon pa kaya ng EyeBAGS?" Arghh! Gustong-gusto ko ng matulog! Bwisit!

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN NG GANIYAN ANG ANAK KO! PASALAMAT KA NGA AT PASALAMAT NGA IKAW AT PINAKAIN, PINATULOY, PINATULOG, PINALAKI AT INARUGA KO IKAW PATI YANG KAPATID MONG NAPAKAARTE EH!.. KUNG HINDI SA AKIN BAKA MGA PULUBI NA KAYO!!"

Agad ko naman pinunasan ang mukha ko na natalksiksn ng laway ni Chang. Inamoy ko ito at ang BAHO! Pagkatingin ko sa mukha niya. Gosh! May laway pa sa gilid ng labi tas ang gulo-gulo ng buhok. Siguro yung hininga niya yung kanina ko pang naamoy na Mabaho.

"Ang baho naman ng laway mo! Nagtooth-brush ka na ba?" Inis kong tanong.

"Bakit? Mabaho ba?" Nakakunot niyang tanong.

"Hindi mabaho, mabahong-mabaho" sagot ko pero syempre bulong lang yan! Pagbantayin pa ako ng matagal niyan sa karendirya! Kaya tango lang ang sinagot ko.

Huminga naman siya sa kamay niya at inamoy ito, bigla naman niyang inihiwalay ang kamay niya.


'Hahaha! Ano? Baho no! Hahaha'


Agad-agad siyang dumiretso sa Cr, kaya nakahinga ako ng maluwag sa wakas! Makakatulog na rin ako.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon