Long update! Enjoy reading :*
VOTE♥COMMENT♥ SHARE THIS STORY!♥
--------
Jennyvive's POV
Matapos akong i-comfort ni Jake ay lumabas na kami sa break area at sila ring pagdating ng mga kaklase ko. Buti nalang may dumaan na janitor at kusa nalang nilinis ang mga kalat na natapon mula sa basurahan.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung siya talaga iyon. Pero hindi parin ako sigurado dahil baka kamukha niya lang yun. Pero hindi... siya talaga yun..alam ko.
Bakit siya nandun? Sinundan ba niya ako? Pero bakit? Bakit naman niya ako susundan? Bak---
"Jennyvive!" Natigil ako sa pag-iisip ng malalim ng may tumawag sa akin. Si Xander pala.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kanina ka pa diyan tulala, nagh-hi sayo yung mga bata pero nakatulala ka parin. Bakit ba?" Sabi ni Justin.
Umiling lang ako. "Ah w-wala w-wala hehe"
Nagsimula na ulit ang Booth namin, marami naring pumunta at napabalik-balik
As usual yung ibang babae nakikipag-picture sa tatlo tas sila naman go na go. TssNapatakip kami ng tenga sa tumili. Puta ang lakas!
Pagkalabas ay lalo silang---Right sila. Lima sila.
Pagkalabas nila ay lalo silang tumili ng makita sila Kenken shit! Ang sakit sa tenga.
"KYAHHHHHHHHH!!!! OMYGGGGG!!"
"GOSHHHH GIRRLL! SI JOHN OHHH!"
"XANDERRRRRR AHHHHHH!!"
"JUSTIN BABY! OMYG! I'M GONNA DIEEEE!"
"SO HOTTTTT!!"
tanginis!! Ang lalandi! Akala mo ngayon lang nakita sila Xander eh. Hayss kabataan now a days nga naman. Kaya maaga nabubuntis eh. Ang lalandi.
Napatingin ako sa kanila ng pumunta sila sa gawi ko. "Pwede mo po ba kaming picturan ni Baby John?" Sagot nung isa. Mukha naman silang mababait eh sadyang malandi lang talaga. Pero ano daw? Baby John? Pwe! Mukha bang baby si Kenken? Tss.
"Ayoko" sabi ko. Yoko nga! Ano siya? Siniswerte?
"Sige na po ateee" sabi ulit niya.
"Ayoko" sagot ko ulit.
"Sige na poooooo" paawa effect na sabi ulit.
"Ayoko" sabi ko. At ang kaninang mabait na mukha ay biglang nawala. Sinamaan nila ako ng tingin lalo na yung nagtatanong sa akin.
"Bab--jennyvive pumayag kana. Parang picture lang eh. Ganiyan ka ba talaga sa bata? Tignan mo nga halos magmakaawa na hindi mo manlang pagbigyan. Ang sama mo naman ata" sinamaan ko ng tingin si Kenken na nakangisi habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...