Short update.
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
-------
Jennyvive's POV
"IKAW?!" Sabay naming sigaw. nagtataka namang napatingin ang mga kaklase ko yung iba rinig ko pa ang bulungan.
"Luh! Magkakilala sila?"
"Oo nga eh. Look at girl oh! She look so so manangg!" Nakakainsulto 'to ah!
Tinignan ko ang babae na nagsabi nun. Pustpa! Makalait, makeup lang naman nagdala! Hindi katulad ko na natural na dyosa!
"Yuck eww. Lakas pa ng loob nyang hawakan yung balikat ng Mr.cassanova natin" a
Mr.Cassanova? Wtf? Ano yun?
"Hoy! Ikaw? Bat mo ako pinukpok sa ulo ha?!" Sigaw niya. Napatingin naman ako sa kanya. Nakakahiya ka Jennyvive! Hindi mo manlang tinignan yung mukha bago ka mamukpok! Nako, yari ako nito! Nakakadalawa na ako sa kaniya! Bakit ba kasi ang liit ng mundo namin ng Kenken na 'to?! Napakamot naman ako sa ulo ko. Yari talaga ako!
"A-ano..lakas kasi ng hilik mo tas tulo laway ka pa kaya ayun.. A-ano..ginising kita baka magmukha kang tanga!" pagsinungaling ko. Wala na kong maisip na dahilan . Alangan naman sabihin ko na bakit siya natutulog nagdidisscuss teacher namin. Haler! Anak ng may-ari ng school yan no! Walang bawal-bawal, pagdating sa kanya for sure.
Napapunas naman siya sa labi nya. ay tanga naniwala! "Wala naman ahh!" Inis na sabi niya sabay punas muli ng kaniyang labi. Pogi nga Tanga naman!
"Aba ako ba nilo---" pasigaw nyang sabi na pinutol naman ng teacher namin.
"SIT DOWN THE TWO OF YOUU!! MR.DELA FUENTE HINDI PORKET ANAK KA NG MAY-ARI NG SCHOOL PWEDE KA NG SUMIGAW NG SUMIGAW PWEDE KITA I-REPORT SA GRANDMA MO!!!" Sigaw ni balyena. Nice naman! hindi naman siya napapaos sa kalagayan na yan?
Umupo naman ako at si Kenken? Inis na napaupo at masama akong tinignan. Mamaya nalang ako hihingi ng tawad pagtapos ng klase.
**
*Rinnnngggggggggggggg*
Kanina hindi ako masyadong makapag-focus sa klase, paano ba naman. May isang lalaki na halos patayin na ako ng tingin na nangangalang Kenken! Buti nalang at uwian na, sabi ni Ma'am dahil first day. Isang klase lang ang aattend-an namin. Yes!
Tinignan ko ang buong room. Wala ng tao. Buti naman, mabilis kong inayos ang mga gamit ko at ipinasok sa bag. Kailangan ko na agad makalabas ng room. Mahirap na baka biglang bumalik dito si Kenken at patayin pa ako! nako! Marami pa akong pangarap sa buhay!
Sinabit ko na kaagad ang bag sa balikat ko at hindi pa ako nakakaisang hakbang ng may magsalita sa likod ko..
"Where do you think your going?" Napahinto ako sa paglalakad. Ang boses na malalim at nakakaakit. Wait?! nakakaakit? No!
Tumingin ako sa likod ko, tama nga ang hinala ko. Boses iyon ni Kenken na kasalukuyang nakangisi sa akin. Patay!
Kahit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ay hindi ko pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay. "Isn't obvious? Paalis na ako sa room and about sa kanina. Sorry nga pala! bye!"
Patakbo na 'kong pumunta sa pinto ng may brasong humarap rito. Tinignan ko kung kanino iyon. Ito yung lalaking bumulong kay Kenken kanina, Xander ang pangalan niya sa pagkakabasa ko sa banner. Nakangisi din ito sa akin. Paktay na talaga!
"Anong akala mo? Papayag ako ng sorry-sorry lang? Na-uh.." Muli akong humarap sa kaniya na nasa harapan ko na ka agad. Ang bilis!
"Alam mo naman na siguro kung sino ako. At ang kaninang ginawa mo ang pinakaayaw ko. Tsaka diba sabi mo ready ka lagi sa punishment ko, right..baby?" sabi niya at lumapit sa akin. as in lapit.
Ang lakas ng tibok ng puso ko! Para bang gusto ng lumabas nito. Whats the meaning of this?!
"Sorry na please?" Hinawakan ko ang braso niya at nagpuppy-eyes. Gumana ka please!
"Na-uh. Papatawarin kita sa isang kundisyon.." he said with playful smirk. Tinanggal niya ang kamay kong nasa braso niya.
Napalunok naman ako. " Yung sinasabi mong punishment, pag nagawa ko ba 'yon, mapapatawad mo na ko?"
Lalo naman siyang napangisi. "Yes." mabilis na sagot niya.
Napabuntong hininga naman ako. Ano pa bang magagawa ko? Wala na akong choice eh. "Okay! what is it?"
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Be my girlfriend for 7months.."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "What? The fuck? Bakit naman yun pa?! Wala na bang iba?!" Sigaw ko. Girlfriend?! Kakasabi ko lang kay Jericka pati sa sarili ko na pag-aaral ang aatupagin ko at hindi pagjojowa tas yayain ako ng gunggong na 'to na maging girlfriend niya?
"Meron."
Gusto ko mang matuwa dahil sa sinabi niya pero di ko magawa dahil may ngisi parin sa kaniyang labi. "A-ano 'yon?"
"Linisin mo ang buong university."
Nanlaki ang mata ko. "Ano? Are you serious? Wala na bang iba?"
"Wala na, yun lang. Be My Girlfriend for 7months or maglilinis ka ng buong university? Think baby think.." he said then grinned.
"I'll give you a time to choose! Tommorow meet me at the court 8:00am, I need your answer and don't be late dahil papaalisin kita sa school na 'to. Babye baby! See you tommorow!" He said then kiss my cheek. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaking yun.
"Hmmm..pwede na. Think, think, baby.." he wink at umalis na siya sa room napapailing naman sumunod sa kanya ang kasama nya habang tumatawa. Napatingin ako kay Mark na papalabas na rin, hindi manlang niya ako binalingan ng tingin. Nakakahurt na yun ah!
Pero wala doon ang isip ko, nandoon parin sa sinabi ni Kenken at sa paghalik niya sa pisngi ko. Punyeta! Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"Ms.Cruz hindi ka pa ba uuwi? Ikaw nalang estudyante dito." Natauhan ako ng may magsalita. Sa tingin ko teacher rin ito dito pero hindi siya si balyena.
"Paano niyo po nalaman apelyido ko?" Takang tanong ko eh hindi ko pa naman nameet 'tong teacher na 'to.
"Sa name plate mo! tanga naman!" mataray na sabi niya at dumi-diretso na ng lakad. Ako naman ay lumabas na din ng room at dinalaan ang teacher na naglalakad na.
Bakit ko ba kasi naisipan pang mag-enroll sa university na 'to? Parang nagsisi na tuloy ako!
*Itutuloy*
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...