Grabe! nababaliw na talaga ako! mali yung nalagay kong chapter! thankyou nga pala kung sino ka man na nagcomment agad! hahahha!
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
--
Jennyvive's POV
Pagkapasok ko sa room ay kaunti palang ang mga kaklase kong naroroon siguro nasa baba pa.. siguro rin naman pati rin siya diba?
Pumunta ako sa upuan ko at agad na umupo doon.
30 minutes pa bago magsimula ang klase kay Ms.Brazas kaya naisipan ko munang mag-review ng mga lessons para na rin maibaling ko muna sa ibang bagay ang isip ko..
Marami na rin sa mga kaklase ko ang pumasok sa room dahil malapit na ang klase pero siya wala parin.
Hindi na muli ako tumingin sa pinto imbis ay ibinaling ko nalang ulit sa notebook ko ang paningin ko.
"GOOD morning class." Bati ni Ms.Brazas sa amin.
"Goodmorning too Ms.Brazas." sabay-sabay naming bati.
Kapag bumabati kami sa isang teacher ay hindi na namin ito binabati na nakatayo I mean yung tatayo pa para batiin ang guro. Sa amin hindi na, dahil collage na daw kami. Connect?!
"Class get a 1 half sheet of pad paper and we have a quiz NOW."
Ang ibang kaklase ko ay kumuha na ng 1 half sheet pero ako nakatingin parin sa pinto at inaabangan na pumasok siya galing doon..
"Ms.Cruz are you okay? Anong mayroon sa pinto?" Napatingin ako kay Ms.Brazas, nakatingin na pala siya sa akin. Saglit niyang tinignan ang pinto at sumulyap naman sa upuang katabi ko. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ako nakatingin sa pinto.
"Yes, Ma'am I'm okay."
"Okay. Get 1 half sheet of paper." Tumango ako at kumuha na sa bag ko.
"Asus! Hinihintay na agad ang Kenken my labs niya!"
"Tama! Miss na agad! Parang kahapon lang magkasama at magkahawak pa ang kamay!"
Humarap ako sa likod at sinamaan ng tingin ang pesteng dalawang lalaking panira ng araw ko.
"Oh! Baka mamatay na kami niyan Jennyvive!" Natatawang sabi ni Xander.
"Ayaw pa naming mamatay na dahilan ay sama ng tingin Jennyvive!" Nakangising sabi ni Justin.
I raised my middle finger on them. "Fuck you kayo!" At humarap na ako sa harapan.
Rinig ko ang mahinang tawa ng dalawa. Psh panira!
NATAPOS ang klase namin apat na subject ng walang nagpapakita o pumasok na Kenken sa room namin.
Nagaayos na ako ng mga gamit dahil Vacant na namin ngayon. Balak ko sanang sabay kaming kumain ni Ken pero wala naman siya dito dahil kasama niya si .....Angelie
Bumuntong hininga ako. Naniwala na ako ng tuluyan sa pinapahiwatig nila Mimi.
"Tignan mo kung pumasok si John.."
Alam ko naman kung bakit sinabi 'yon ni Riri.
Pumikit ako ng mariin. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi si Kenken yung kasama ni Angelie sa sasakyan ay parang mismong sarili ko na rin ang nagtutulak sa akin na totoo na nga 'yon kaya nga hindi ko siya nakitang pumasok eh.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Novela JuvenilJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...