Chapter 1

34.2K 616 64
                                        



***

Ayan na siya girl..." bulong na siko ng kasamahan ko dito sa isang coffe shop na pinagtratrabuhan ko. Halos matapon ang hawak ko sa lakas ng pagkakasiko ni Mia sa akin.

Napailing ako dahil sa kalapadan ng ngiti ni Mia. Nakipagpalit pa talaga ng shift sa isang kasamahan ko para makakuha lang ng order ng paparating.

Siya ang pumwesto sa counter habang ako at ang isa pa ang naghahanda ng kape. Isa akong part time na barista sa isang coffee shop dito malapit sa University na pinapasukan ko.


"Can I take your order Sir?" rinig kong tanong ni Mia.

"One coffee Americano, grande" baritonong sagot ng lalake.

"Pastries po?" alok pang uli ni Mia ngunit di ko na narinig ang sagot ng lalake.

"Your name po? For here po or to go?" rinig ko pang muli na tanong ni Mia na akmang magsusulat sa sa cup na hawak niya.

"Andrew, I'll have it here" sagot lang niya.

"Okay sir Andrew, paintay na lang po receiving counter" rinig ko pang sagot muli ni Mia.

"Shet!... nakakalaglag ng panty sister, pati boses ang manly!" kilig na sabi ni Mia na sunod ng sunod sa akin.

"Masyado kang obvious. Tinanong mo pa ang pangalan e araw araw namang umoorder ng kape yan dito, at araw araw ding ikaw ang kumukuha ng order niya" natatawa kong sagot.

"Wala lang, gusto ko lang mapahaba ang usapan, para kasing nagmamadali lagi, super seryoso pa tapos ni hindi man lang ngumiti" sagot nitong humalukipkip sa gilid ko.

Napailing na lamang ako.

"Magshift na lang kaya ako ng kurso mo teh? Para kahit papaano ay makita ko siya diba malapit lang ang building mo sa kanya? kaya lang di naman ako marunong magdrawing, pwede bang figure sticks doon?" tanong pa nitong nakahawak sa baba niya.

"Sira ka talaga, ba't di ka na lang diretsong kumuha ng Architecture para pareho kayo, kesa naman magfafine arts ka pa?" tawa kong sagot na inabot ang kape ng order ni Andrew.

"Oh, eto iabot mo na sakanya" ani ko sa tinimplang kape para kay Sir Andrew.

"Teh naman, figure sticks nga nangangamote na ako, plano pa kaya ng bahay?" sabi nitong pumunta ng claiming counter. Napailing akong natawa muli sa kanya.


"Coffee Americano for Sir Andrew!" matamis na sigaw ni Mia.

Napalingon ako sa gawi nila. Seryoso lang na kinuha ni Andrew ang cup kay Mia at umalis din agad na pumwesto sa pinakagilid na dulo ng coffee shop, alam kong dismayado na naman si Mia.

"Malala na yang kaibigan mo" bulong sa akin ni Ate Faye.

"Oo nga po" sagot kong napatingin muli sa gawi ni Andrew na tumingin sa gawi namin.

'Ganun lang teh? Wala man lang thank you, ang gwapo talaga niya kaya lang napakasuplado".

"Di ka ba natatakot sa kanya?" tanong ni ate Faye kay Mia.

"Mukhang bad boy, ang daming tattoo, parang walang ibang kulay ng damit kundi itim, may ear piercing, mukhang di mapagkakatiwalaan saka nakakatakot, ni hindi nga yata yan marunong ngumiti...madalas ko ngang naririnig na nakikipag away yan. Sabi ng isang faculty na kaibigan ko, madalas din daw siyang nasa counselor's office" sabi ni Ate Faye na ikinalingon ko sa kanila habang naguusap.

"Eh, naririnig ko nga po yan, pero talagang gusto ko siya ate Faye eh" sagot ni Mia.

"Kaklase mo siya Cielo diba?" rinig kong tanong ni Ate Faye.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon