***Ang bilis lumipas ng araw. Nag aayos ako ng gamit ni Dylan para sa pagalis niya kinabukasan.
"Sigurado ka bang naandyan na ang ibang gamit mo?" tanong ko kay Dylan.
"Opo ate" sagot nito.
"Eto, maglalagay ka lagi nitong anti mosquito na lotion ha? may spray din dito, saka yung ibang personal mong gamit nakasalansan na sa isang bagpack mo" bilin ko.
"Oo na po, kaya ko po na yan Ate, malaki na ako" yamot na sabi nito marahil naririndi na sa paulit ulit kong bilin.
"Lagi kang maglalagay ng towel sa likod mo, wag mong pabayaang matuyuan ka ng pawis...may mga biscuits at tsokolate akong nilagay dito para hindi ka magutom... at higit sa lahat wag na wag kang lalayo sa mga kasama mo" bilin ko.
"Oo na Ate, nasabi mo na po yan" sagot nito.
"Naglagay ako ng charge sa telepono mo, tawagan mo ako kahit anong oras mo ako kailangan at tatawagan rin kita madalas" ani ko pa.
"Ate naman, boyscout camping po yun, malamang din po walang kuryente doon, at baka po wala ring signal" aniya.
"Alam ko, nakausap ko yung adviser mo di ba, sabi niya may signal daw doon, binilhan kita ng powerbank" sabi kong inabot sa kanya ang charger sa kung sakaling walang ngang kuryente sa pupuntahan niya.
Napangiti ito.
"Mag iingat ka ha" sabi kong tumabi ritong hinagkan. Mahal na mahal ko si Dylan, kahit gusto kong panghinaan ng loob noon ay sakanya ako humuhugot ng lakas para maging matatag, nangako ako sa magulang namin na hindi ko siya pababayaan, kaya kong magsakripisyo para sa kanya.
"Opo, ikaw din ate, magiingat nga... dito ka lang naman diba? hindi ka naman uuwi kina AUntie Minda?" tanong nitong tinanguhan ko.
Pagkatapos kong pirmahan ang waiver nito, saka ko pa lang naisip na kami na lang pala ni Liam dito sa bahay niya. Wala naman akong alinlangan sa kanya, alam kong di niya ako gagawan ng masama,, ngunit parang medyo nakakailang din.
"Mamimiss kita kahit limang araw ka lang na mawawala" sabi kong hinagkan itong muli ng marinig namin ang katok sa pinto. Tumayo si Dylan na pinagbuksan iyon.
Si Liam na may dalang mga paper bags.
"Hi.." aniyang ngiting sinenyasan kong pumasok.
"For you" rinig kong sabi niya kay Dylan kay napalingon ako.
"Akin ito Kuya?" lapad na ngiti ni Dylan na binuksan iyon.
"Tingnan mo kung magugustuhan mo at isukat mo na rin" ani pa ni Liam kaya napalapit ako.
" Wow, ang ganda po! sigurado po kayo?!" tuwang ani ni Dylan.
Mga branded na shirts at shorts na panlalake, isang running shoes na alam kong halaga ay mahigit pa sa sweldo ko ng isang buwan sa coffee shop.
Kinuha ko ito mula kay Dylan.
"Liam, ang mahal nito...alam ko ang halaga ng mga yan, hindi namin matatanggap yan" ani ko. HIndi niya kailangang gawin iyon, malaki na ang utang na loob namin, ayaw ko ng maging abuso pa. Hindi naman umimik si Dylan. Madalas naman kapag may sinabi ako ay hindi na siya tumututol.
"Cielo..."
"Sorry pero masyadong mahal yan, hindi mo kailangang gawin ito, malaki na ang utang na loob namin sayo sobra sobra na ang tulong na ibinibigay mo sa amin" giit ko.
"Cielo, it's just small thing... necessities naman yan, kakailanganin yan ni Dylan" aniya.
"May mga gamit na siya" ani ko pang muli na inaabot pabalik sa kanya ang paper bags.