Chapter 9

12.1K 347 12
                                    



***


Saglit... Liam" ani ko sa hawak ni Liam sa kamay ko palabas ng bahay.

Tumigil sandali itong humarap sa akin.

"O-okay ka lang ba?" mahinahon ngunit nagiigting ang pangang tanong nitong humawak muli sa magkabilang pisngi ko.

Tumango ako.

"I'll bring you... into my place" ani nitong muli na iginigiya ako papuntang sasakyan niya.

"Sandali, papaano ang kapatid ko?" naguguluhan kong sabi. Di ko pwedeng iwan si Dylan, baka si Dylan ang saktan nito pag hindi nakaharap ang tiyahin ko.

Napabuntong hininga siyang iginiya pa rin ako sa loob ng sasakyan niya. Inayos nito kaagad ang seatbelt ko bago umikot sa driver's seat.

"We'll figured it out later, importante makalayo ka muna dito" ani nitong nagpatakbo ng sasakyan.


Hindi ako nakaimik, pansin ko ang higpit ng hawak nito ng manibela ng sasakyan niya, salubong din ang kilay nitong nagmamaneho.

"Liam..." ani kong humawak sa kamay nito para mapakalma, bumibilis na rin ang patakbo niya, ramdam ko ang galit nitong pinipigilan pero ayaw ko ring maaksidente.

"How long is this happening Cielo?" seryosong tanong niyang muli.

"L-Liam..." sagot kong napabuntong hininga.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Hindi ko alam kung nakakabuti na ba ito na may nakaalam pang iba bukod kay Mia, masisira lahat ng plano ko. Kahit ako ay gulong gulo sa sitwasyon.

"Matagal na ba?" tanong nitong muli.

Hindi ako umimik na napapikit na lamang. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan ngunit hindi ko alam kung dapat na ba akong magkwento o itatanggi kong muli.

Lalong humigpit ang hawak nitong lalong bumilis ang patakbo ng sasakyan.

"Answer me..." aniyang may baritonong boses.

"Dammit!" mahinang mura pa rin nitong sabi.

"Liam..."

"We'll go to police station now" sabi nitong lumiko na pinigilan kong muli. Hindi ito maari! Lahat ng paghihirap ko at pagtitiis ay mababalewala kung ilalayo sa akin si Dylan.

"No...Liam please" sabi kong humawak sa kamay nito.

"Hindi pwede Liam... pwede bang pakinggan mo muna ako?" pakiusap ko ditong humawak sa braso nito.

Gumilid ito sa isang service road.

"Then answer my questions" seryoso pa rin nitong sabi.

"I'm extremely mad Cielo...kulang na kulang pa yung ginawa ko kanina, na kung wala ka doon kanina ay baka lumpo na tiyuhin mo ngayon" seryoso nitong sabi.

"Pwede bang kumalma ka?" mahina kong sagot.

"Sabihin mo, papaano ako kakalma sa nakita ko kanina ha? I know something is not right about it... I'm not dumb para hindi ko maisip yun" seryosong sagot nitong nagiigting pa rin ang panga sa galit.

"Sorry... sorry talaga, hindi ka naman dapat talaga madadamay doon-" sabi kong sumabat agad ito.

"That's a bull****! Alam mo yun!" sigaw nitong sabi na humampas ng manibela. Hindi ko napigilang maiyak.

"Don't try to deny it... nakita ko yun mismo!" seryosong sabi pa rin nito.

Hindi ko napagilang mapaiyak at mapahikbi.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon