***Iginiya ako nito sa gitna.
Napangiti akong napailing, nakalimutan kong ngayong araw pala ang aking kaarawan . Masyado akong naging abala sa gawa sa eskwelahan at sa paghahanap ng trabaho nitong mga nakaraang araw.
"Happy Birthday" aniyang ngiti sa akin.
"S-salamat.... Nakalimutan ko na nga" ani kong natatawa sa sarili.
Niyakap ko itong nagpasalamat.
"Salamat, pinasaya mo ako Liam" sambit ko.
"Anything for you..." aniyang bulong na humalik sa tuktok ng buhok ko.
"Uhm, I made an early breakfast, kaya lang medyo palpak ang iba" aniyang napahawak sa batok nito.
Ngumiti akong hinila siya papunta sa mesa para tingnan ang inihanda nito.
"Uhm... babawi na lang ako mamya sa lunch natin na pinabook ko ha... uh hindi talaga ako marunong magluto eh" aniyang panay hawak sa batok niya.
Tiningnan kong inihanda nitong agahan o midnight snack, sunny side up na egg, hotdog, toasted bread, at pancake. May maliit din itong cake sa gitna, at isang hot choco, at kape malamang para sa kanya.
Inilawan nito ang kandilang nakapatong sa cake.
"Happy birthday..." aniyang kinuha ang cake na inilapit sa akin.
"Make a wish" aniya pang bulong. Pumikit ako bago ko ito inihipan.
"Happy birthday Mahal, I love you" aniyang yakap ng maibaba ang cake.
"Thank you... ang sweet mo sobra, I love you too" ani kong medyo nagingilid ng luha ang mata ko dahil sa dama ko ang sobrang pagiging thoughtful nito. Ang ipaghanda ako ng ganito ay malaking bagay na para sa akin, alam kong wala siyang alam sa pagluluto.
"Sobrang mahal kita Cielo..." aniyang yumakap ng mahigpit at pinalis ang luha ko. Malaking pagsubok ang dumating sa buhay ko noon, sa buhay namin ni Dylan na wala akong matakbuhan o mapagkatiwalaan hanggang dumating si Liam na siyang isa sa naging sandalan ko, sa kanya ako nakaramdam ng seguridad, pagmamahal at tiwala.
Dinamdam ko ang pagmamahal at sinseridad nito.
Iginiya ako nito sa mesang nagsalin ng hot choco.
Napangiti ako, medyo tutong nga ang ilalim ng itlog at hotdog ganundin ang toasted bread.
Tumingala ako ng tingin na napakamot ito sa ulo.
"Sorry... wala talaga akong alam sa kusina eh" aniyang muli.
"Okay lang, eto na ang pinakamasarap at pinaka the best na early breakfast birthday surprise ko" ani kong tumayo na gawaran siya ng halik sa pisngi.
Nakaayos pa talaga ang mesa na may bulaklak din sa gitna. Napatingin ako sa paligid.
"Kelan mo ito ginawa?" tanong ko.
"Kaninang nasa office ka pero yung iba nung isang araw pa" aniyang medyo namumula ang pisngi.
"Salamat" ani kong nag umpisang kumain.
Rinig ko ang mahinang musika sa gilid na kinabitan ng telepono niya sa isang portable speaker.
Tinikman ko ang pancake nitong gawa na maayos naman.
"Ang galing mo na sa pancake!" komento ko.
"Ang tagal kong prinaktis yan, si Belle ang nag tutor" aniyang binigyan ko ng aprubadong senyales ng kamay ko.
"Masarap promise!" ani ko pang muli habang sumusubo.