Epilogue 3 Liam's POV

9.5K 250 4
                                    




***

Napatitig akong nilalaro ang driver's license ko.

Liam...

Napailing akong muling napangiti.

"Huy! Ngumingiti kang mag isa" puna ni Belle.

Umiling ako.

"Anong meron diyan sa lisensya mo at nakangiti ka?" tanong nitong muli.

"Tinawag niya akong Liam, Belle" sagot ko.

"Huh? Sino?"

"Si Cielo" sagot kong sumandal sa bangko kung saan nagaganap ang karera namin.

"Liam?" kunot noo nitong tanong.

"Yeah, ang basa niya eh Liam instead of William" sagot kong napangiti.

"Nakausap mo na siya?" aniyang nanlaki ang matang ngumiti.

Tumango ako.

"Nagpakilala ka?"

Umiling ako.

"Uh ah, sa park kanina, naligaw ang kapatid niya ako ang nakahanap yun lang, then accidentally nabasa niya ang driver's license ko" sagot ko.

"Ah, akala ko nagpakilala ka na" aniyang bumalik sa pagkakasandal sa upuan.

"I want to... but I don't know how" sagot ko.

"And... sandali lang naman kami nag usap ni hindi nga niya ako matingnan" sagot kong yamot dahil parang nagmamadali siya pagkatapos magpasalamat.

Napahalakhak si Belle at napahawak pa sa tiyan niya sa kakatawa. Napakunot noo ako.

" Anong nakakatawa?" irap kong tanong.

"Ay wala, sorry sorry!" ani nitong nagtakip ng bibig ngunit halatang natatawa pa rin.

"Walang nakakatawa Belle" ani kong mas yamot.

"Sorry bro," aniyang sumeryoso ang mukha pagkuwa'y nagpipigil pa rin ng ngiti.

"Belle!"

"Sorry na talaga... eto na, sasabihin ko na" aniyang nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong kong salubong ang kilay at inis dito.

"Kasi naman po, baka natakot sa hitsura mo" aniyang ngumiti.

"Huh?" ani kong napakunot lalo ang noo.

"No offense Liam ha?" aniyang tumatawa at tinawag pa akong Liam na parang nanunuya.

"Belle stop it, malapit na akong mapikon" banta ko.

"Okay okay, kasi naman po, eh nakakatakot ang hitsura mo, kelan ka ba huling tumingin sa salamin?" tanong nito.

"Iyang buhok mo mahaba na" aniyang hinaplos ang dulo ng buhok ko.

"Tapos eh, nakakatakot yang dami ng tattoo mo, uhm, medyo kailangan mo na rin ng shave," turo nito sa balbas ko.

"Eh... mukha kang nangingidnap ng bata" aniyang diretsong nakangiti na parang nang iinsulto.

"Huh?" tanong ko.

"At dagdag pa diyan ang purong kulay itim mong suot, parang assassin ganun yung parang hoodlum... um, parang ganoon" aniyang nakangiti pa rin.

"So what should I do?" tanong ko.

"For the start you need a haircut, kahit pabawasan mo lang then magshave ka... tapos try mong bumili naman ng kulay puti na shirt" aniyang humarap pa sa akin.

"At try mo ring matulog para hindi ka mukhang ngarag lagi, at hindi namumula yang mata mong mukhang kulang lagi sa tulog" tawa nitong umupo sa bangko nito.

Napailing akong umirap dito.


"Oh ba't ka pala naandito?" tanong ko.

"Naiinis kasi ako sa loob" aniya.

"Why?" tanong kong naalarma. I consider Belle as my little sister, bukod kay Melissa siya ang pinakamalapit sa akin.

"U-Uhm, S-si A-albert kasi" aniyang tumungo na naglalaro sa bracelet niyang suot. Bigay iyon ni Andrei nuon sa kanya.

"Bakit anong ginawa ni Albert?" tanong kong napakunot noo.

Umiling itong bahagyang namula.

"AH, eh" aniyang parang di mahanap ang sasabihin.

"He likes you" komento kong napatingin ito.

"Alam mo rin?" tanong nitong nalaki ang mata.

Napatawa ako.

Kunot lalo ang noo nito.

"I think hindi ka lang niya gusto, I think he's in love with you" sagot kong namumula ito.

Umiling ito.

"Hindi pwede" aniyang umiling muling bulong.

"Belle..."

"Hindi na pwede..." aniyang sagot.

"Wala na siya Belle..." sagot ko.

Nakatungo pa rin itong nagiisip ng malalim.

"At sa palagay ko nasa isip mo na lang yan na mahal mo si Andrei, I mean... alam at ramdam namin na may pagtingin ka rin kay Albert" sagot kong tumayo.

"San ka pupunta?" aniyang tanong.

"E di susundin ko ang sinabi mo, magpapagupit!" sagot kong palayo sa kanya.


Bumalik ako sa park kinabukasan, nagpaikli ako ng buhok at nagpalit ng kulay ng tshirt. Tanaw ko na si Dylan ngunit wala si Cielo, bagkus ang matandang babae ang kasama niyang may kausap sa kabilang gilid.

Lumapit ako sa isang bangko ng mapansin ako ni Dylan.

Kumaway itong napangiti ako.

"Hi Mr. Cotton Candy man" aniyang lumapit sa akin ng kaunti.

"Hi" sagot ko.

"Who's with you?" tanong ko.

"Yaya" sagot nitong abala sa paglalaro sa isang monkey bars.

"Why? Where's your ate?" tanong ko.

"Ate is sick" sagot nitong napabuntong hininga ako.

"Why?"

"I dunno, she have this sipon and lagnat daw" aniyang tinawag na rin siya ng nag aalaga sa kanya ng mabilisan.

"Dylan, tara na... sabi mo one hour lang" ani ng malamang kasama nila sa bahay.

"Walang kasama ang ate mo ngayon" aniyang sumunod naman si Dylan.

Sinundan ko sila ng tingin.

Sumunod ako at nagpark sa tapat ng bahay nila. Pansin ko ang bukas na ilaw pa ng malamang kwarto ni Cielo dahil nakita ko siyang nakadungaw noon doon. I don't even know kung bakit ako naanditong naghihintay muli bago sumara ng ilaw ng kwarto niya.


***

thanks for the votes and comments!

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon