Chapter 13

11.8K 339 17
                                        




***

"Take this"


Napatingin ako sa inilagay niya sa palad ko. Mga susi.

"Keys from the front door, alam mo naman na ang password diba? at yung iba dyan susi para sa mga rooms and back door" aniya.

Nakatitig pa rin ako sa hawak ko. Natutuwa akong naiiyak sa inabot nito. Ilang mga susi, pero hindi iyon simpleng susi para sa akin, malalim ang kahulugan nun para sa akin. Hindi ko napigilang mag init ang mata kong nagbabadya sa pagluha.

"Hey, is there something wrong? sandali, bakit parang iiyak ka na naman?" ani nitong napahawak sa braso ko.

Umiling ako.

"Salamat Liam" ani kong tukoy sa mga susi na bigay niya.

"Wag ka ng umiyak, natataranta ako eh. It's just keys Cielo, gusto ko lang magkaroon ka ng sarili mo in case na hindi mo ako mahagilap" aniyang napahawak sa braso ko at nagpalis ng takas na luha ko.

"Hindi lang siya susi para sa akin Liam, you have no idea sa security na ibinibigay mo, salamat talaga" masinsinang sagot ko, dahil yun ang totoo natutuwa akong di ko mapigilan ang paghikbi. Nakaramdam ako ng seguridad sa unang pagkakataon sa nakalipas na mahigit apat na taon, na may matatakbuhan at pwede kaming matuluyan bukod sa bahay na kinasusuklaman ko.

"Hey, p-pwede bang wag ka ng umiyak? sabi ko naman sayo diba. I will always be here for you, sa inyo ng kapatid mo" sabi nitong hinigit ako sa dibdib niyang yumakap ng marahan.

"Salamat talaga, di ko alam kung papaano ako magpapasalamat sayo"
sagot ko.

Sandali itong nanahimik kaya kumalas ako.

"You don't have to, I am happy na tinanggap mo ang suggestion ko" ani nitong seryosong nakatingin sa akin.

Tumango ako.


"Besides wala ka namang choice, kung ako lang matagal na tayong nagreport sa mga pulis, nirerespeto ko lang ang gusto mo. This l is the least thing I can do for you" dagdag pa nitong ngumiti na rin.

"... at para na rin matigil ang pasasalamat mo, ipagluto mo lang ako masaya na ako dun... gusto kong tikman lahat ng binanggit ni Dylan" aniyang pang muli na ikinangiti ko na rin.


"Salamat Liam"


*

"How did it go?"

" Okay naman, wala namang nabanggit si Auntie tungkol kay Uncle Roman, nakakapagtataka nga" sagot ko sa tawag ni Liam. Nakahiga na kami pareho ni Dylan sa kwarto ko.

Hindi ako makatulog at pilit kong inaanalisa ang mga nangyayari, hindi naman na bago sa akin ang ganito na tuwing may gagawin si Uncle Roman ay aalis iyon at magpapalamig sa ibang lugar.

"You should be more careful" ani nito.

"Hindi na rin ako mangahas magtanong kanina" sagot ko.

"This is bad idea Cielo...dammit! Parang kinukunsinte ko pa ang nangyayari sayo!" frustrated nitong sabi.

"Dapat talaga nagreport tayo sa police" dagdag pa nito.

"Liam..."

"I know... I know, you're just buying your time, but this is not good" buntong hininga nitong irritable.

"Pumayag naman na ako sa suhestiyon mo diba? Konting panahon na lang" ani ko.

"Yeah, at wala kang choice. It's either you agree with me or magrereport tayo sa kinauukulan" ani nito.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon