***
Naalimpungatan akong nagising, medyo maliwanag na at wala na rin si Dylan sa tabi ko. Nagmadali akong nagayos at bumaba.
"Hindi ganyan kuya, basahin mo itong instruction oh, " rinig kong boses ni Dylan.
"Oo nga, hayaan mo na. Itabi na lang natin bago pa makita ng Ate mo" rinig ko ring sagot ni Liam na siyang halakhak ni Dylan.
"Anong nangyari dito?" tanong ko ng makalapit ako sa kitchen, makalat at puno rin ng mantsa at harina ang mukha ni Liam at apron.
"Uh oh, uhm... aakyat po muna ako" sabad ni Dylan na umeskapo nang nakatawa.
"Uh ah, k-kasi a- ano..." halos uutal utal na sagot ni Liam na napahawak sa batok at medyo namumula pa ang mukha.
Napailing na lamang ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" malumanay kong tanong na nagliligpit ng ilang kalat sa mesa, may mga basag na itlog, kalat kalat na harina, mga bukas na asukal at butter.
"Let me do that, ako na ang mag aayos" madali nitong kinuha ang hawak kong sabay lapag sa sink.
"Pancake ba ang gagawin mo?" tanong ko.
"Eh oo sana, kaso palpak. Ang tagal kong pinanood sa youtube eh, di ko parin nagawa" sagot nitong napahawak sa ulo.
"Hugasan mo muna ang kamay mo, puro ka na harina sa mukha" ani kong lumapit para abutan ng bimpo.
Sumunod naman itong nagpunas ng mukha. Kahit buhok nito ay puno rin ng mga harina.
"Meron pa ba?" aniyang tanong na humarap sa akin.
Kinuha ko ang bimpo na pinunasan ang ilang mantsa sa noo nito at natuyong harina sa buhok. Pansin ko ang pagkatahimik nito.
Napatingin akong nakangiti na ito ng malapad.
"Nakangiti ka" ani ko.
"Wala naman... ang sarap lang ng pakiramdam" aniyang nakangiti pa rin.
"Pakiramdam ng may harina sa mukha?" kunot noo kong tanong.
Umiling ito.
"Basta... akin na lang yun" sagot nito.
"Mabuti pa maligo ka na, hindi na kaya ng bimpo yan" ani kong tumalikod rito para ligpitin ang ilang kalat.
"Ako na 'to"
"Uhm. Hindi na... ako na gagawa nito, just rest hindi ka pa fully recovered" aniyang kinuha ang ilang plato sa kamay ko.
"Liam..."
"Hey, ako na... just rest, papunta na rin sina Marcus, magdadala ng breakfast" aniyang ngumiti.
Napailing na lamang ako, pakiramdam ko masyado na kaming abala sa mga kaibigan nito.
" Hindi ba nakakahiya na sa mga kaibigan mo?" tanong ko.
"Nope, besides wala namang pasok...saka may appointment tayo sa psychologist mo ngayon, iiwan natin saglit si Dylan sa kanila"
Tumango ako.
*
"Relax, Ill be here. You need this" pisil sa kamay ko ni Liam habang papalapit kami sa isang clinic ng psychologist.
"Andrew!" ngiting bati sa amin ng isang may edad na babae, mukhang sopistikada at propesyonal sa hitsura.
"Tita" ani ni Liam na humalik sa pisngi nito at bumaling sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/77391191-288-k389717.jpg)