Chapter 17

11K 340 12
                                    




***

"Good Morning!"

"Good Morning rin" bati ko ring naglapag ng umagahan namin.

"Wow, pancakes!"

Ngumiti ako.

"Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nitong umupo sa hapag sa tapat ko.

Tumango ako. Pansin ko na nakabihis na itong pampasok.

"Maaga ang pasok mo?" tanong ko.

"Oo eh, how about you? Kay Prof. Chavez lang ang klase mo ngayon di ba?" tanong nitong tumayo para kumuha ng mug sa lalagyan. Ramdam ko ang presensiya nito sa likuran ko.

"Oo, pero papasok ako sa coffee shop" sagot ko. Kinuha ko ang tasa sa kanyang tinimplahan ito ng kape.

"I sasabay ko na si Dylan, okay lang ba sayong mag commute muna?" tanong nitong bumalik sa pwesto niyang upuan.

"Oo naman, sanay naman akong magcommute" sagot ko ng pababa si Dylan.

"Good morning!" ani ng kapatid ko.

Bumati si Liam samantalang ngiti lamang akong inabutan ito ng plato.

"Wow, pancakes!" ani nitong parang tulad lang din ni Liam kanina.

"Paborito kasi niya yan" baling ko kay Liam na humaplos sa ulunan ng kapatid ko. Napangiti ako sa gawa niyang iyon.

"Ako din naman, paborito ko ang pancakes" aniya.

"Uy, bati na po kayo?" sabad ni Dylan.

"Huh?" sagot kong kunot noong pinamulahan ng mukha ko.

Natawa naman si Liam. "Hindi naman kami nag away ng ate mo, just a healthy argument" ani nito.

"Ahh, Akala ko po kasi nag away kayo" sagot ng kapatid ko.

"No or rather ang ate mo lang ang nang away" tawang sagot ni Liam.

"Nakupo Kuya, nakakatakot ang Ate pag nagagalit" sabad ni Dylan ng panay subo. Ramdam ko ang init ng mukha ko.

"I know" ngiti pa ni Liam na lumingon sa gawi ko.

Napairap akong tumayo.

"Parang wala ako sa harapan ninyo kung mag usap kayo" ani kong ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko, mukha akong pinagtutulungan ng dalawang ito.

"Siya, Dylan bilisan mo at hindi pwedeng mahuli ang kuya Liam mo" ani kong inihanda ang baunan nito. Pansin ko nakatingin lang si Liam sa gawa kong paghahanda ng baunan ni Dylan.

"G-gusto mo rin nito?" tanong ko.

"Pwede ba?" balik na tanong nito.

"O-oo naman, saglit lang igagawa kita" sagot kong ginawan ito ng sandwich na katulad kay Dylan.

"Salamat" aniyang ngiti sa naka ziplock na lalagyan at saka inilagay sa bag niya.


*

Naglinis ako at nagsalang na rin ng naipon naming labahan, pansin ko ang ilang gamit na damit ni Liam na isinama ko na rin. Hindi naman mahirap sa akin ang gawaing bahay, sanay na ako. Kung tutusin pa nga ay mas marami pa akong gawa sa bahay ni Auntie Minda. Organisado na ako sa oras ko, mga gawaing bahay bago pumasok at pagdating ko galing eskwelahan. Nagligpit ako ng ilang kalat maliban sa kwarto ni Liam, pribadong lugar yun at ayaw kong pakialaman.

Nakatanggap ako ng text sa Auntie kong magtatagal pa sila ng asawa niya sa Cebu, laking kaluwagan yun para sa akin, kahit papaano ay lumilipas ang araw at papalapit na ang pagdidisiotso ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon