Chapter 32

10.4K 334 20
                                    




***

"Shit! sandali tatawagan ko muna si Daddy!" rinig kong sambit ni Nico

"Anong nangyayari Ate?" kalbit ni Dylan sa akin. Hindi ako nakasagot, naramdaman ko na lamang ang pagkuha ni Belle kay Dylan na iginiya sa loob ng sala.

"Liam..."

"Shhh... I'll go with them, this is nothing" ani nitong humarap sa akin na humawak sa magkabilang pisngi ko.

"Susunod kami Bok" ani ni Marcus.

Kumalas ito sa akin na lumapit sa gawi ni Marcus at Albert. Kita ko ang panay tango ni Albert.

"Natawagan ko na si Daddy, susunod na rin daw... nasa outside Metro pa naman siya" rinig kong ani ni Nico.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Akmang poposasan pa sana ng isang pulis si Liam ng tumanggi ito.

"Hindi na kailangan Sir, sasama po ako" ani ni Liam sa kanila ng bumalik sa gawi ko. Hindi ko makontrol ang pagbadya ng luha ko.

"Hey, pwede bang wag kang umiyak, natataranta ako eh, maayos din ito" mahinahong sabi nito pagbaling sa akin.

"You'll stay here in a while"

Napahawak ako sa kamay ni liam.

*

"But why Dad? Hindi ba tayo pwedeng mag post ng bail agad? " sabad ni Nico sa Daddy niyang abogado ni Liam.

"Pwede naman, pero I pepetition muna natin kasi non bailable ang charge nila and the evidence of guilt is strong against us" sagot ng abogado.

"I'll be very honest to you, they have strong case against us. Mr. Natividad almost died , he's in Coma for more than a week... muntik mo na siyang mapatay Liam and up to know nasa recovery stage pa siya including sa internal injuries na tinamo niya , they have this all medical cetificates and everything" baling nito sa amin.

"He deserved it, I don't have regrets Tito" walang pakundangang sagot ni Liam.

"Liam..."

"Well, I can say that he really deserves it sa ginawa niya kay Cielo, there's no doubt about it but what we have here is all in legal matters, nag counter charge na rin tayo and I can say na ilalaban natin ito" paliwanag nito. Ramdam ko ang marahan na pagpisil ni Liam ng kamay ko.

" And may kaso rin tayong kidnapping" ani pa nitong muli.

"I don't understand Dad" sabat ni Nico muli.

"Cielo and her brother Dylan is still a minor" simpleng sagot nito.

"And that count as kidnapping?" sabat muli ni Nico.

"Anticipated na ito anak, I discussed this to Andrew before..." sagot nito.

"I still don't understand Dad" umiling na sagot ni Nico.

"Their legal guardian is their Aunt, although walang money involved, they can say na kidnapping ang nagyari since nakatira sila kay Andrew without their consent... and the thing is hindi pa legal adult si Cielo, at yun ang pinapalabas nila"

"I just helped them out... they're being threatened sa bahay ng tiyahin niya" sagot ni Liam.

"I know, that can be easily prove" ani nitong sumulyap sa gawi ko.

"...But you know, for sure they will not go easy on us, especially that malala ang tinamo ng asawa ng tiyahin mo from Liam" ani pa nitong muli na direktang nakatingin sa akin.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon