Chapter 7

13.3K 377 19
                                        




***

"Mauna na kayo 'tol"

Napalingon ako dahil kilala ko ang boses na iyon.

Papunta si Liam sa direksyon ko, sinundan ko ng tingin ang mga kasamahan niyang nakatingin lang sa gawi ko kabilang na doon ang ilang kababaihan na kasa- kasama nila.

"Hi!" aniyang nasa harapan ko na agad.

Ngumiti ako.

"How are you?" tanong nitong naglapag ng gamit sa harapan ko.

"Okay naman, Ikaw kamusta na?" tanong ko.

"I'm fine" ngiti nito.

Tumingin akong muli sa grupo ng mga kaibigan niya, nakatingin pa rin ang ilan habang naglalakad palayo. Sinundan ng tingin ni Liam ang direksyong tinitingnan ko.

"Don't mind them" aniyang tipid.

Tumango akong napakunot noo.

"May kailangan ka ba?" mahinahong tanong ko.

"W-wala naman, nakita lang kita... gusto ko lang malaman if you're okay" ani nito.

"Ayos naman ako" sagot ko.

"Pasensiya ka na kagabi, late ko na kasi nabasa ang text mo kaya late na ako nakareply" dagdag kong sagot, sa dahilang naka ilang text siyang muli kagabi katulad noong isang gabi bago ko naisipang sagutin.

"It's okay, I was just worried" ani nitong ngumiti ng tipid. Pansin kong medyo malakas ang kabog ng dibdib ko. I don't want to assume, ayokong bigyan ng malisya ang lahat ng iyon, ngunit hindi naman ako manhid, hindi normal yun sa hindi mo naman malapit na kaibigan.

"U-uhm Liam, salamat nga pala sa lahat lalo na yung nung isang araw, pero di mo na kailangan akong isipin, okay naman ako... I mean nagkataon lang na masama talaga ang pakiramdam ko noong araw na 'yon" ani kong diretsuhan, kailangan kong maging prangka para malinawan agad ito.

Natahimik lang itong tinitigan ako.

"Is there something wrong? m-may problema ba tayo?" mahinahong tanong nito na tumititig lamang at humaplos sa isang bahagi ng kamay kong nakapatong sa mesa.

"Wala naman. Kaya lang ano-, ayokong maging kargo mo pa. U- Uhm, ibig kong sabihin di mo na ako kailangang alalahanin pa" diretsuhang sagot kong binawi ang kamay ko mula rito.

"I thought we settled about this...kaibigan mo ako Cielo, hindi ba normal lang naman yun sa pagiging magkaibigan?" tanong nito.

Hindi ako nakaimik.

"I care about you" mahinang sabi nitong humawak sa kamay kong muli.

"Probably hindi tayo nagkakilala ng matagal pero hindi naman yun ang batayan diba? siguro nga it's odd na bigla na lang tayong naging malapit, but I assure you... you can trust me, I want to be your friend" ani nitong muli na animo'y nakikiusap.

"Hindi ba pwede ba yun?" mahinahong tanong nito.

"Hindi sa ganoon... pasensiya ka na, hindi lang ako sanay na may ibang kaibigan dito bukod kay Mia" sagot kong naalala na hindi ko pa pala naipapakilala si Liam sa kanya.

"So.." ani nito.

"Sige, friends na tayo..." ngiti kong sagot.

Tumango naman ito. Napatingin ako sa orasan kong halos oras na nang susunod kong klase, ang klaseng namin kay Prof. Chavez.

"Let's go, punta na tayo ng AVR para hindi tayo mahuli" aya nitong kinuha ang ilang gamit ko sa mesa. Sumunod lang ako dito.

"May ipapakilala nga pala ako sayo, yung bestfriend ko si Mia" ani ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon