Chapter 47

10.5K 339 30
                                    




***

Parang naningkit ang mata ko kinabukasan.

"Good Morning" aniyang humalik sa noo ko. Alam kong nakatitig ito mula sa gilid ko.

"Uhm, umiyak ka ba?" tanong nitong inilingan ko.

Tahimik lang itong kumain na sumusulyap sulyap sa gawi ko, na ako nama'y inasikaso si Dylan.

Umiwas ako sa maghapon, nagdahilan akong may gawa sa klase, hindi ko kayang magkunwari na ayos lang ako sa nakita ko kahapon, ayaw kong ring magtanong dahil sapat na sa akin ang pagsisinungaling nito.

Paglabas ko ng klase ay pansin ko ng naghihintay na ito sa hallway. Hindi na ako makaiwas.

"Galit ka ba?" tanong nitong iginiya ako sa gilid.

Umiling ako.

"Cielo... something is not right here" malumanay na sabi nito.

Umiling akong muli, inaya ko na siyang pababa ng building ko dahil sa mga nakatinging estudyante sa amin.

Tumungo kami sa intayan nilang naandon na sina Belle, naandon din si Melissa muli.

"Drew!" ani nitong ngumiti ng malapad.

Umupo ako sa tabi ni Belle.

"Merienda tayo guys, may alam akong restaurant na bago" aniyang yaya. Napatingin ako kay Belle, marahil ang tinutukoy nito'y ang kinainan nila kahapon. Nilingon ko si Liam na hindi mapakaling tumingin sa gawi ko.

" Tara!" aya ni Melissa na hila kay Nico at Marcus.

"C'mon Drew... Cielo" ani pang muli ni Melissa.

"Hindi ako pwede, kayo na lang" sagot ko.

"Huh? Why?" ani nitong napatingin kay Liam.

"M-masama ang pakiramdam ko" palusot ko. Lumapit si Liam sa akin.

Humipo ito sa noo kong umiwas ako.

"Kayo na lang, ikaw sumama ka na sa kanila" baling ko kay Liam na siyang ikinasalubong ng kilay nito.

"Are you okay?" tanong nitong salubong ang kilay.

Napahalakhak ng mahina si Belle. Napalingon si Liam sa kanyang kunot ang noo at saka bumaling muli sa akin.

"Let's go home then" alalay ni Liam na patayo sa akin at kinuha ang gamit ko.

"Magpapahatid lang ako kay Liam, at susunod na lang siya kung saang Pinoy restaurant kayo magkikita" baling ko kay Melissa.

"No, we're going home now" sagot ni Liam nakatingin sa akin.

"I'm not going may family dinner kami mamya. I have to prepare" sabad ni Belle na pinandilatan si Albert na sumunod sa kanya. Walang alinlangang sumunod si Albert kay Belle papunta sa sasakyan nila.

"Uh... is that so, sayang naman...masarap ang food doon" ani ni Melissa. Ramdam ko ang pagsiklop ni Liam sa kamay ko mula sa ilalim ng mesa, pinilit kong kalasin ngunit mas mahigpit ang hawak nitong nakatitig sa akin mula sa gilid.

"Can I visit in your condo Drew?" tanong muli ni Melissa.

Napapikit akong umiling. Ang manhid ng babaeng ito!

Hindi ko makuha ang pinupunto niya.

"Not now Mel..." sagot ni Liam na humawak sa braso ko at kinuha ng ilang gamit kong nakapataong sa mesa.

" Mauna na kami" ani nitong sumiklop muli sa kamay kong akay ako patayo.

"Let's go" bulong nito sa gilid ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon