Chapter 42

11.3K 333 9
                                    




***

" Good morning mahal" ani nitong humalik sa noo kong umupo sa countertable.

"G-good morning din" sagot kong naglapag ng pagkain sa mesa.

"N-nakatulog ka ba ng maayos?" alinlangang tanong ko dahil sa unang beses o pagkakataon ay nakatabi ko siya sa pagtulog bukod noong panahon na maysakit ako. Alam kong nangalay ang braso niya sa pagkakahilig ko sa kanya.

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay sandali kaming natahimik pareho, panay panay ang hingi nito ng paumanhin sa nangyari, alam niyang hindi ako kumportable at may bahid pa rin ng takot. Nakatulog ako sa bisig niya at nagising akong nakahila na ang sofa bed at nasa iisang unan at kumot kami na nakayakap ako sa kanyang nakasiksik sa dibdib nito na siya nama'y nakaalalay sa likuran ko.

"The best sleep I had" aniyang nakangisi. Namula ako sa pagkakaalala ng posisyon namin kaninang umaga.

"K-kumain ka na... u-uhm, pasensiya ka na kagabi , hindi ko namalayan ang oras nakatulog ako...sana ginising mo na lang ako, eh mukhang nangalay ang braso mo" ani kong hindi natingin ng diretso.

"It's okay, ang himbing na ng tulog mo besides ako din naman nakatulog ng diretso, like I told you the best night and sleep I had in a long time" aniyang sagot.

Tumango akong ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko.

"One pm pa ang klase mo di ba?" aniyang tanong muli habang sumisimsim ng kapeng inihanda ko.

"Oo, pero papasok ako sa part time ko today para sa ilang orientation lang" sagot ko.

"Okay... what time?"

"Mga ten siguro, magcocommute na lang ako magkita na lang tayo sa klase ni Prof Chavez mamaya" sagot kong tinaguhan naman nito.

"Are you sure?, pwede naman akong bumalik then ihatid kita" aniyang muli.

"Hindi na... malelate ka sa susunod mong klase, magmamadali ka na naman" giit ko. Alam kong full load ang schedule nito sa umaga ngayong araw na ito.

"Okay then, I'll drop Dylan then hihintayin na lang kita sa University" aniyang tinanguhan ko.


"This will be your desk Ms. del Mundo, and konektado ang telepono natin, may mga papers ka lang na kailangang i sort out at ilagay sa dapat niyang drawers , mga file yan ng mga exclusive at freelancers na artist natin, ilan diyan importanteng contract between sa artist and buyers natin,may kopya ka naman ng JD Mo diba?" ani ni Ma'm Tine ang sekretarya ng may ari ng gallery.

"Opo" magalang kong sagot.

"And take note, lahat ng importanteng dokumento kailangan mong gumawa ng kopya, tig li limang photocopies then ilalagay mo in each folder" aniyang turo pa sa isang metal cabinet.

"Noted po" ani kong naglista ng ilang importanteng bilin niya.

" I understand na broken time ang pasok mo, kuhain mo na lang ang schedule mo mamaya, pwede ka pa namang bumalik mamyang hapon diba? Para maayos with other part timers dito sa office at para na rin ma orient ka sa bawat section ng offices" aniyang baling muli.

"Yes Ma'am, babalik po ako mamayang hapon" ani ko.

"Okay, you may go now Cielo" aniyang muli at muling lumingon sa gawi ko.

"And Cielo... every Wednesday nga pala wear something semi formal or casual dress or at least office attire, kasi minsan busy ang araw na yun at kakailanganin ka para mag assist ng ilang costumers or artist natin" aniya pang pahabol uli.

"Yes ma'm" sagot kong muli. Nag mental note akong kakailanganin kong dumaan sa Mall bago bumalik ng University.

Lumabas ako ng Mall na hawak ang ilang kakailanganin kong damit para sa trabaho at bumalik sa Condo,nagmadali akong bumalik ng University.




Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon