Chapter 53

13.3K 380 33
                                        




***

Kabado ako.

Pakiramdam ko may sa kung anong umiikot sa loob ng tiyan ko.

"Relax Ma'm" ani ng coordinator na umalalay sa akin. Napailing akong napangiti sa sarili sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko talaga mapigilan si Liam.

Nakasara pa ang pintuan ng simbahan, nauna ng pumasok si Belle at Tita Cel.

"Ma'am, here's your bouquet" abot ng coordinator sa bulaklak. Isang kumpol iyon ng white tulips.


  Isang kumpol iyon ng white tulips

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flash back

"Marry me now Cielo"

"Huh? Ngayon na? as in ngayon na?" tanong kong medyo nalilito.

"Yes, graduate na ako, that's our deal di ba? i'm claiming my gift now" aniyang humawak sa kamay ko.

"Saglit, masyado ka namang excited" biro kong sumunod dito.

"You have no idea" sagot nitong ngumiti ng malapad.

Kabado ako! handa naman akong magpakasal kaya lang hindi ko inaasahan na ngayong araw na ito rin.

Sumalubong si Tita Cel at Belle.

"Hindi na makapagantay si Liam" tawa ni Belle.

"Go Drew, kami na ang bahala kay Cielo..." ani ni Tita Cel na iginiya ako sa katabing set -up close tent ng simbahan. Humalik ito sa noo ko bago humiwalay. Kabado akong sumunod na lamang kay Tita Cel.

Napaawang ang bibig ko pagpasok roon, nakaayos rin at may naghihintay na hairstylist, at coordinator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaawang ang bibig ko pagpasok roon, nakaayos rin at may naghihintay na hairstylist, at coordinator.

"You change Belle, ako na ang bahala kay Cielo" ani ni Tita Cel.

"Opo, dyan ka muna Sis, magbibihis lang ako... kainis kasi itong si Liam eh, mabilisan talaga" tawa nito.

Iginiya ako sa bakanteng kwarto, kita ko doon ang wedding gown, kapareho ng wedding gown na nakita ko sa isang magazine nung mga nakaraang buwan.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon