Chapter 57

14.1K 382 19
                                    




***

Napadilat akong medyo madilim ang paligid. Tanaw ko ang puting kisame at nakabalot ako ng puting comforter.

Rinig ko ang mahinang paguusap ng doctor at ni Liam.

"She needs a strict bedrest" rinig kong ani ng doctor kay Liam na tumango ng napalingon sa akin. Nagmadali itong tumungo sa gawi ko.

Ramdam ko ang bigat ng ulo ko at medyo hapo. May mga nakakabit ding swero sa kamay ko.

"Hey..." aniyang umupo sa tabi kong humalik sa aking noo.

"Kumusta ang pakiramdam mo? I'm glad you're awake" malumanay na sabi nito.

"O- okay lang" ani kong naalalang humipo sa tiyan ko.

"A-ang baby natin?" tanong ko.

"He's okay... u-uhm, they're okay" aniyang ngumiti na humalik muli sa noo ko. Napatingin akong inanalisa ang sinabi nito. They?

"You made me the happiest man in the world Mahal and we're having twins" aniyang bulong na nakangiti ng malapad.


Tahimik akong nagpasalamat sa Itaas.

"May gusto ka ba? Nagugutom ka ba?" aniyang tanong ng tumikhim ang doktor sa tabi niya na malamang nakalimutan ang presensiya nito.

"Sorry Dok" paumanhin ni Liam na tumabi na siya namang pasok ng nurse na nageksamin sa akin.

"How are you feeling Mrs. Madrigal?" tanong ng doctor.

"Medyo okay naman po, medyo hapo lang" sagot ko.

"Oh well, that's normal for the first trimester, makakaramdam ka ng pagod at hapo, by the way you are 12 weeks pregnant, na check sa ultrasound kanina, we will keep you for few days here for hydration. Medyo dehydrated ka kasi and may discrepancy lab works mo like your ketones and sa electrolytes medyo mababa, nonetheless okay ka naman and your baby. I'm recommending strict bedrest for you Ma'am, dahil sa bleeding mo, medyo mahina pa kasi ang kapit ng baby mo" aniyang napatingin sa akin ng diretso ganundin kay Liam.

"...pero wag po kayong mag worry, they're holding on, kailangan niyo lang ng pahinga, no strenuous activities and bawal ang stress" aniya pang muli.

"And I'll prescribe po for some prenatal medicine and vitamins" aniyang tinanguhan kong napahapo sa tiyan ko. Dalawang buhay ang nasa sinapupunan ko.

Tumabi si Liam sa aking humawak sa mga kamay ko.

"...and one more thing po, kailangan niyo pong kumain ng maayos, kasi dalawang baby ang nasa sinapupunan ninyo" aniyang ngiti. Napaluha ako sa saya.

"Congratulations po" aniyang ngiting lumapit ng kaunti sa akin.

"Pwede po bang ulitin ang ultrasound?" tanong kong tumango ito.

"Sure po, nagrequest din kasi si Sir ng negative ng exams" ngiti nitong napatingin kay Liam.

Nagpaalam na rin agad ang doctor pagkatapos kaming kausapin.

Napatingin ako kay Liam na may malapad na ngiti ngunit silay ko pa rin sa mata nito ang pag aalala.

"Thank you" aniyang humalik sa noo ko.

"I was worried kanina, parang hindi ako makahinga sa paninikip ng dibdib kong nakikita kong maraming dugo, nag alala ako para sayo at sa baby natin" aniyang humahaplos sa kamay ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon