Chapter 3

16K 417 35
                                    




A/N : please read the Author's note after the update.


***

"Oh, puyat ka na naman?" ani ni Mia ng magpang abot kami sa staff room.

Di ako umimik.

"Ano, hindi pa rin tumitigil ang demonyo mong tiyuhin?" kunot noo nitong tanong tinanguhan ko.

"Ang tibay mo Sis, na kaya mong dalahin ang problemang ganyan. Bakit di ka pa kasi magsumbong sa pulis o sa DSWD?" tanong niya. Nagkukuwento ako kay Mia pero hindi naman kasing detalye ng nangyayari sa bahay.

"HIndi pwede, alam mo namang maimpluwensyang tao yun, saka papaano yun kung sa DSWD naman maghihiwalay kami ni Dylan, ayokong mangyari yun, baka ilayo siya sa akin... konting tiis at pagiingat na lang" sagot ko pang medyo pahikab dahil literal akong kulang sa tulog.


Masasabi kong isang maimpluwensyang tao si Uncle Roman. Dati siyang nasa serbisyo ng pulisya. Nagretire ng maaga at saka nagnegosyo. Alam kong makakaraos din kami, konting tyaga na lang at makakalis na rin kami ng kapatid ko doon. May mga araw lang talagang kailangan kong magdoble ng ingat lalo na kapag wala si Dylan o ang tiyahin ko sa bahay. Madalas din ay dito na rin ako sa coffee shop nagpapalipas ng oras o kaya nama'y sa library sa eskwelahan. Isang kursong makakaadjust din sa oras ko ang kinuha ko, kailangan ko ng oras para makapagipon. Una kong pangarap ang pagiging inhinyero o arkitekto katulad ni Daddy ngunit isinantabi ko iyon dahil sa sobrang oras na gugulin ko doon, kailangan kong magtrabaho at makapag ipon kaya ako kumuha ng Fine Arts na malapit sa kursong pangarap ko.

"Oh Mia, magaling ka na ba?" rinig kong tanong ni Ate Faye sa katabi ko.

"Ah, opo, okay na po ako" ngiti niyang malapad habang naglalagay din ng apron at hairnet katulad ko.

"Sa counter ka?" tanong muli ni ate Faye.

"Syempre po, kung pwede nga lang makahingi ng isang yakapsule at kisspirin kay Andrew lalo akong gagaling!" ngiti nitong kinikilig pang ikinailing namin pareho ni Ate Faye.


Masyadong marami ngayon ang customers. Puno rin ang mga mesa madalas mga estudyante sa University, na nagreresearch dahil sa libreng wifi. Ang iba nama'y mga nagpapalipas lang ng oras at ang iba nama'y ginagawang meeting place ng mga magkarelasyon. Rinig ko ang ilang tawanan mula sa magbabarkada o iba't ibang grupo habang nagkakape.

Kung sana ganito lang kadali ang buhay namin, yung walang pinoproblema, at may panahon kang magsaya... yung makakapagpahinga ka sa sariling mong bahay ng hindi kakaba kaba...

Nahagip ng tingin ko ang paparating at saka ako napalingon kay Mia na may malapad ng ngiti.

"Ayan na siya bes..." bulong niya.

"Oo na.. kumalma ka nga diyan" sagot kong natatawa. Maykaya naman sa buhay si Mia, kung tutuusin ay pwede naman siyang hindi kailangang magtrabaho, ginagawa lamang niya ito para kay Andrew. Malapit na kaibigan ng pamilya niya si Ate Faye. Nagkakilala kami sa isa freshman Orientation nung nakaraang taon, hanggang siya rin ang nagpasok sa akin para sa part time dito.

"Hi! ! Can I take your order Sir?" ngiti ni Mia.

"One Coffee Americano" sagot ni Andrew na napalingon din ako at saka bumalik muli sa kapeng hinahalo ko.

" Sure po, what size would you like? " tanong muli ni Mia. Napalingon din si Ate Faye sa gawi ko.

"I'll have grande, to go" sagot muli ni Andrew na naglabas ng pera.

"How about Pastries po?" rinig tanong muli ni Mia, di ko na narinig ang sagot ng kausap niya.

"Your name po, sir Andrew no?" ngiting tanong ni Mia na halatang medyo kabado at kinikilig.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon