***
"Bahala ka na, ikaw ang bahala sa kapatid mo, siguraduhin mo lang na di siya maano sa party na pupuntahan ninyo. Ewan ko ba sayo Cielo, imbes yata na makatulong kayo sa akin ay namgumgunsime pa ako sa inyo! para sabihin ko sayo hindi sapat ang iniwang pera ng mga magulang ninyo!" ani ni Auntie Minda sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag na hindi ito kumontra na hindi kami tutulog sa bahay niya ngayong gabi. Kahit naman labing apat na taon pa lamang ako noon ay naintindihan kong may iniwang pera ang mga magulang ko sa amin, pati ang bahay at sasakyan namin ay ipinagbili ni Auntie Minda, sa katwirang hindi naman kami titira noon doon. Nag working student ako dahil may mga pangangailangan akong hirap ko pang hingiin sa kanya. Hindi ko na ininda yun, ang mahalaga ay maayos ang pakitungo niya sa kapatid ko, kaya ko naman siyang pakitunguhan. Nagbago na lamang ang disposisyon ko ng naramdaman kong may kakaiba sa pakikitungo ng asawa niya sa akin.
"Pasensiya na po, ngayon lang naman po ito Auntie, sinundo ko na po kasi si Dylan kanina, tapos may urgent kaming meeting para sa group thesis namin kaya isinama ko na siya" dagdag na pagrarason ko.
"O siya bahala ka, siya nga pala sa mga susunod na araw ay hindi ka na pwedeng magpagabi. Walang kasama ang kapatid mo, uuwi ako ng Cebu para samahan ang Uncle mo doon" ani nito.
"Po?" kunot noo kong tanong ng mapansin ko si Liam na umupo sa gilid ko.
"Nag aya ang Uncle mo na uuwi kami ng Cebu ng ilang linggo. Siguro naman, responsable kang alagaan ang kapatid mo" ani nitong muli.
"O-opo" sagot kong medyo lito, malamang din ay di sinabi ni Uncle ang nangyari kanina, ang tungkol kay Liam.
"Sige na at pauwi na rin ako. Masama ang pakiramdam ng Uncle mo. Ihahatid ko pa siya sa airport bukas ng maaga, at susunod na rin ako kinabukasan" aniya pang muli ni Auntie na binabaan na ako ng telepono.
Sandali pa akong natulala pagkatapos non. Bakit hindi nagsumbong si Uncle Roman kay auntie Minda? sigurado akong makikita ni Auntie Minda ang bakas ng suntok ni Liam mamaya sa kanya.
"U-uhm..." tikhim sa gilid ko.
"Anong sabi ng Auntie mo?" tanong nito.
"Okay lang, pumayag naman siya, pero kailangan pa rin naming umuwi bukas Liam. Hindi nagsumbong si Uncle Roman sa kanya" malumanay na sagot ko.
"Damn, parang baligtad yata bakit siya pa ang magsusumbong?" kunot noo nitong tanong.
"Syempre asawa niya yun tapos ikaw, walang alam si Auntie sayo" sagot kong naguguluhan rin.
"No. This won't work Cielo. I won't let you go back there" sabi nitong tumayo na napasuklay ng buhok, ramdam ko ang frustration nito.
"Liam..."
"No" matigas pa ring sabi nitong lumayo sa akin kaya sinundan ko.
"Liam...hindi pwede, hindi ganun kadali yun-" sagot kong sumbad agad.
"Listen, hindi pwede ang gusto mong mangyari, hindi ako papayag, wag mo ng antayin na maulit pa sayo yun" sabi nitong salubong ang kilay ngunit mahinahon naman.
Napaupo akong napahilamos ang mukha, kahit ako ay lito na rin. Hindi ko alam ang gagawin ko, sa isang iglap ay nawala lahat ang plano ko.
Tumayo akong pumasok sa silid na kinahigaan ni Dylan. Sinilip ko itong tulog na tulog na siya, ramdam ko ang bigat sa dibdib. Mahal ko ang kapatid ko, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kaya kong magsakripisyo para sakanya. Hinaplos ko ang mukha niyang napakainosente at saka siya kinumutan. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang kamay sa balikat ko. Marahan iyon, lumingon ako sa gawi ni Liam.
