***
" Anong sinabi ni Nico sayo?" tanong ko pagka uwi nila. Pansin ko ang seryosong paguusap nila sa verandah nito.
Hindi ito umimik na umangat lamang ng tingin.
"S-sabi ni Tita Lea, as much as possible bawal daw sayong madagdagan ang stress mo" sagot nito umiwas ng tingin.
"Liam..."
Tumabi ako sa kung saan ito nakaupo habang si Dylan ay abala sa countertable na gumagawa ng ilang assigments niya.
"Please gusto kong malaman"
"Okay then... yung Daddy ni Nico ang lawyer ko, and according to him hindi pa rin nagigising ang asawa ng tiyahin mo but he is stable, may nakausap na doctor si Tito Gary, malaki daw ang chances na magising siya" ani nito.
Umisod ito na tumabi pa sa akin.
"I want you to trust me on this one okay?" ani nitong humwak sa kamay ko.
"He's preparing everything in case nga na magsampa sila ng kaso, and for sure they'll gonna do that" aniyang muli.
Napatango na lamang ako, kahit sabihin kong magiging okay din ang lahat alam kong hindi ganun kadali yun, at sigurado akong madadamay si Liam dito.
"Honestly, gusto ka ngang makausap ni Tito Gary but I told him na huwag muna ngayon, but I asked already the opinion of Tita Lea sabi niya okay lang daw... alam niyang kaya mo pero hangga't wala pa yung kaso magpahinga ka muna" ani pa nitong dagdag na paliwanag.
"Okay naman na ako, kakausapin ko siya kung kinakailangan kaya lang natatakot sa posibleng mangyari" mahinang sagot kong napatungo.
"Shh.. don't be, malalagpasan mo ito, malalagpasan natin ito" anoyang yumakap sa gilid ko.
"Salamat" ani ko. Ang daming bumabagabag sa isip ko, hindi pa rin ako halos handang pumasok, marami akong kailangang habulin sa klase. May isang parte sa isip kong gusto kong puntahan ang tiyahin ko ngunit alam kong magdudulot lamang iyon ng mas malaking problema.
"What are you thinking?" tanong nito.
"Wala naman, naisip ko lang kung pwede kong -" ani kong sumabad agad ito.
"No, don't ever think of going there Cielo, mapapahamak ka..." aniyang ipinaharap ako sa kanya.
"Wag na wag mong gagawin yun okay?" aniyang muling tinanguhan ko.
"Promise me" ani nitong muli.
"Pangako" sagot ko.
"Just let me handle on this one... besides may laban naman tayo, it is a self defense, he's doing it for years dapat lang na pagbayaran niya ang mag kasalanan niya" aniya.
"P- Papaano kung hindi na siya magising?" ani ko.
"Shh... wag mo munang isipin yun" sagot nito.
"Liam..."
"Okay, para hindi ka na mag alala. I'll face the consequences, hindi na bago sa akin ito Cielo, kung dati nga nakulong na ako sa mga walang kwentang bagay lang na pinaggagawa ko nuon, ngayon pa. This is different, hindi ako nagsisi dito kahit konti, at uulitin kong muli ang nagawa ko para lang maprotektahan ka o si Dylan" sagot nito.
Hindi ako nakaimik na inaanalisa ko lamang ang mga sinabi nito.
"You're all worth it Mahal..." ani nitong humalik ng mabilisan sa noo ko.
"Kaya wag ka ng mag worry okay, besides ilalaban natin ang kaso" dagdag pa nitong humawak sa magkabilang pisngi ko.
"C'mon, magpahinga ka na muna" aya nitong paakyat.