***Dati rati kuntento na akong maging anino niya, nakasunod lang at tinitingnan lang siya mula sa malayo. Magmula ng insidenteng iyon ay kahit papaano ay nakakausap ko na siya sa klase namin maging sa loob ng campus. Naalala kong tanungin ang kapatid nito. Napangiti ako sa sarili ng maalala kong tinawag akong "Mr. Cotton Candy Man". Napag alaman kong nakatira ito sa tiyahin niyang kapatid ng Daddy niya na nagpapalipat lipat din sila ng lugar hanggang napermanente dito sa kamaynilaan.
Sa bawat tanong ko ay alam kong ingat at ilag siya sa mga sagot.
"Are they good sa inyo ng kapatid mo?' tanong ko.
Tumango itong hindi tumingin sa akin. Inaanalisa ko ang galaw at sagot niyang hindi natingin sa akin ng diretso. Ramdam kong may mali. Naiisip ko pa lang ay parang nagiigiting na ako sa galit.
"So kamusta kayo ni Mia?" pagiiba nito ng usapan.
"Huh?"
"Kinikilig daw siya sayo" aniyang muli na nakatawa.
"It's not funny Cielo, ayoko sa kaibigan mo" irita kong sagot ng tumunog nag telepono ko.
"Bok, san ka na?" si marcus.
"I'm not going Bok " sagto kong tukoy nito sa karera.
"I'm busy" sagot ko pang muli.
"Liam naman... lagi ka ng absent dude, wag mo munang masyadong bakuran Bok" tawa nitong sagot.
"And you have the guts to laugh at me? F**k off pare" irita kong sagot na medyo napalakas ang boses na pansin kong nagulat itong sinenyasan akong hinaan ko ang boses ko. Mukha akong tutang napatango na napasunod at nagbaba ng telepono.
"Ang init agad ng ulo mo, para kang may anger management issues" komento nito ng mapatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili kahit nagbibiro lang siya.
"Sorry, napikon lang" ani kong napahawak muli sa batok ko.
Nagpilit akong ihatid ito kahit panay ang tanggi nito. magmula ng malaman ko kung saan siya nakatira ay hindi na bago sa akin kung saan siya nakatira, kahit ang security sa bungad ay palihim kong kinaibigan para makalabas pasok ako sa subdivision nila.
"Get inside, aalis ako as soon as makapasok ka na" ani kong nagpasalamat ito.
Paalis na ako ng binabaan ko ang security house para abutan ng pera.
"Salamat Boss" ani nila.
"Hinatid mo ba si Cielo?" tanong ng isa.
"Oo Sir," sagot ko.
"Ngayon lang kasi siya umuwi ng maaga" ani pa ng isang guard.
"Dumating na rin si Mr. Natividad kanina" ani pa ng isa.
Para akong nakadama ng pagkabalisa ng malaman kong si Cielo lang at ang asawa ng tiyahin niya ang nasa bahay nila, ilang oras pa bago mag uwian para sa klase ni Dylan.
Bumalik akong nagpark sa tapat ng bahay nila at pumasok. Rinig ko ang sigaw ni Cielo, mabilis kong tinungo ang loob. Ramdam ko ang pagiinit ng mukha ko at galit. Kita kong halos nakayakap na ito mula sa likuran ni Cielo.
Nagiigting ako sa galit.
Napatikhim ako para makuha ang atensyon nitong nagulat. Bumitaw ito kay Cielo. Hindi ako nagkamali ng hinala, parang sasabog ang dibdib kong nakikita ang pagkataranta at takot sa mukha ni Cielo.
"Sino ka?!" asik nito.
"Liam..." ani ni Cielo na nagulat din at parang nakaramdam ng kaluwagan ng makita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/77391191-288-k389717.jpg)