Chapter 51

13K 409 20
                                        

***

"I-i don't know what to say" mahinang sagot kong napatungo.

"You don't have to say anything... just accept it" aniyang humawak sa baba ko para mapatingala.

Napailing ako.

"Hindi ko alam, it's just... that, I mean I don't think it's appropriate na tanggapin ko ito" sagot kong lumayo ng kaunti.

Yumakap ito mula sa likuran ko.

"I knew it, alam kong tatanggi ka... please accept it, ito lang ang pwede kong magawa para hindi ko masira ang lahat ng memories meron kayo ng mga magulang mo" mahinang ani nitong habang nakayakap.

Hindi ako umimik. Parang may mali na tanggapin ko itong kapalit ng pagkawala ng mga magulang namin.

"Please Cielo" aniyang pumahinga ang babang muli sa balikat ko.

"Ano ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako sa lahat ng ito?" bulong nitong parang hirap na hirap.

Napabuntong hininga akong umikot.

"Liam... " ani kong tinitigan ito.

"Tell me... what can I do para mabawasan ang sakit?anything Cielo" aniyang humawak sa pisngi ko.

"... kahit ano, wag mo lang hilingin na lumayo kayo sa akin" aniyang pagod.

"Anything Cielo... para mapatawad- " aniyang muli na sinabaran ko.

" Liam... alam kong aksidente ang lahat, walang may gusto sa nangyari, tapos na... nangyari na, hindi na maibabalik yun" ani kong humaplos sa kamay nito.

"Napatawad na kita ganundin ang kapatid mo, alam kong wala ka ng kontrol sa nangyari, " ani kong nakatungo pa rin habang hawak ang kamay nito.

"S-sa totoo lang, wala ka namang dapat ikahingi ng tawad sa nangyari, yung kina Mommy tanggap ko yun matagal na, ayoko lang na naglihim ka sa akin. Maraming tumatakbo sa isip ko ng nalaman ko ito, na kaya mo ginawa ang lahat ng ito ay dahil sa awa at ginawa mo kaming responsibilidad mo, na baka ang nararamdaman mo sa kin ay awa, guilt at hindi mo naman talaga ako mahal..." ani kong yumakap agad ito.

"No, that's not true, I love you... so much... dati rati, wala akong pakialam sa paligid ko. I don't care kahit sino pa ang masaktan at matapakan ko, every time na malungkot ang kapatid ko at umiiyak si Melissa, it was easy for me... gagantihan ko lang ang gumawa nun sa kanila ganun lang, but with you it's different... kapag umiiyak ka, natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko. I can't think a better way para mapatahan ka, parang laging kulang... ayokong makitang umiiyak ka, your silent treatment is killing me. Takot na takot akong magalit ka. I can't figured you out easily mas madali pa para sa akin ang makipag away than dealing with your silence"

"Mahal kita Cielo... mahal na mahal, don't ever doubt it, this is the first time that I genuinely care for someone, not out for obligation or kailangan. My life was a mess before, wala akong pakialam sa araw na lumilipas, but with you, i treasured every passing day na kasama kita...ikaw lang talaga ang tamang nangyari sa buhay ko please believe me" aniyang humarap na humawak sa magkabilang pisngi kong tumitig, kita sa mata nito ang paglamlam at kinang sa mata ng pagbadya ng luha.

"Never in my life that I cried, sayo pa lang..." aniyang napangiti akong pinunasan ang gilid ng mata nito. Ramdam ko ang sinseridad niya.

"Mahal kita... forgive me please" aniyang muli na tinanguhan ko ng marahan.

Yumakap ako.

"Thank you... " aniyang yumakap ng mahigpit. Sumandal ako sa dibidb nitong pumikit, ramdam ko nag pagod namin pareho.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon