Chapter 22

10.8K 349 11
                                    




***

" Anong sinabi mo doon sa adviser ni Dylan?" tanong ko dahil napansin kong kinausap ito ni Liam bago sila umalis, panay lang din ang tango ng guro nito.

"I just gave my number in case they can't reach your phone, for emergency" aniyang napasulyap sa gawi ko.

"Yun lang?" tanong kong muli dahil kita ko sa mukhang guro nito ang taranta kanina habang kausap itong katabi ko.

Tumango naman itong ngumiti.



Nakakapanibagong wala si Dylan sa bahay ni Liam.

Pagkatapos naming inihatid si Dylan sa assembly point nila ay umalis na rin kami agad, sa buong pananghalian ay tahimik kami parehong sigurong naninimbang ng pwedeng sabihin. Nagprisinta itong maghugas ng pinagkainan ngunit tinanggihan kong muli dahil may mga sugat pa ito sa kamay.

Pagkatapos ng tanghalian ay dumiretso na ako sa kwarto ko habang siya naman ay nanood ng palabas .

"O, di ka lalabas?" tanong ko ng madatnan ko pa itong nanonood.

Umupo ako sa tabi niya.

"U-uhm Sabado ngayon, ngayon yung karera ni Nico diba?" tanong kong muli.

" Hindi ka ba manonood?" ani kong umiling lang ito.

"Bakit? Kaibigan mo yon diba?"

"Yes, I'm not going aabutin ng gabi yun at minsan madaling araw pa, wala kang kasama dito" tipid niyang sagot.


Napangiti akong napailing, isa ito sa pansin ko kay Liam, masyadong maalalahanin. Naalala kong tinawag pa nya ang helper ng condo nuon ng minsang sunduin niya ako sa coffee shop dahil walang kasama si Dylan na nuon ay tulog na.

"Okay lang ako dito, tsaka safe naman dito diba?" ani kong lumapit pa dito.

"Hindi na, next time maybe" sagot nitong muli. Alam kong gusto nitong magpunta dahil malapit nitong kaibigan si Nico.

"Sige na, pumunta ka na" pilit ko.

"No, I won't go Cielo" sagot nito.

"Liam..."

"O sige, sasamahan na lang kita, pwede ba ako doon?" tanong kong napalingon ito sa gawi ko.

"Are you sure?" tanong nito.

"Oo naman, ang tanong eh pwede ba akong sumama doon?" tanong kong muli.

"Of course, medyo hindi ganun kakumportable ang lugar na yun para sayo, maingay at medyo magulo... we'll just watch Nico's game then uuwi na tayo" aniyang nangiti.

Tumango ako.

****

Nakasimpleng jeans, white shirt lang ako at sneakers. Nagdala rin ako ng maong na sweater dahil sa sabi nitong baka abutin ng gabi, depende sa kung anong oras ang karera ni Nico.

"Belle will be there too" aniyang nakangiti ng marating namin ang lugar, medyo malayo ito sa kamaynilaan. Ito rin ang unang beses akong makakatapak at makakanood sa lugar na ganito.

Pansin ko ang dami ng mga sasakyan, at hindi lang basta simpleng mga sasakyan bagkus mga magagarang sports car na nakahilera. Pansin ko rin na medyo crowded nga ang lugar na may kanya kanyang grupo sa bawat tent.

Napakapit ako sa braso ni Liam ng papalapit kami ng entrance.

"Relax, I won't leave you" aniyang humawak sa kamay kong pinagsiklop ng kaniyang hila ako sa loob. Kilala si Liam, halos lahat ay bumabati sa kanya, halatang mga maykayang mga kabataan ang mga naandito.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon