***
"Still awake?"
Gulat akong napahawak sa dibdib ko.
"Oo eh, nauhaw lang ako tsaka marami akong tinapos na school stuffs" sagot ko. Pasado alas dose na ng hatinggabi.
"Ikaw ba't gising ka pa?" tanong kong nagbalik ng pitsel sa ref.
"I can't sleep then narinig kong nagbukas ka ng pinto kaya bumaba rin ako" aniyang humarap sa akin na nakasandal sa counter. Napasandal ako sa sink.
"Iniinsomnia ka na naman?" tanong ko.
"No hindi naman..., saka medyo matagal na rin akong hindi umiinom ng gamot para lang makatulog I mean magmula ng naandito kayo" aniyang humalukipkip.
Napatango ako.
"Matulog ka na, maaga pa ang klase mo bukas diba?" tanong kong nagbaba ng baso sa sink na tinalikuran ito. Ramdam ko ang presensiya nito sa likuran ko at gumilid sa tabi ko.
"D-do we have a problem?" tanong nitong ramdam ko ang titig nito mula sa gilid.
"Huh?" ani kong lumingon sa gawi niya.
"I can't sleep, I'm bothered... alam kong may problema tayo, you were quiet the whole time na sinundo natin si Dylan hanggang pag uwi" aniya.
"W-wala...sorry" sagot ko.
"Cielo..." aniyang ipinaharap ako sa gawi niya.
Napatungo ako. Ayaw kong makita nito ang ekspresyon ng mukha ko. At mabasa ang nasa isip ko.
"Hey, look at me" aniyang humawak sa baba ko para mapatingala.
"I'm sorry for what happen kanina, I mean... ganun lang talaga si Melissa. She's straightforward kung magsalita, I know you were not comfortable with her-" aniyang sinabaran ko.
"Hindi... hindi naman ganoon, actually tama pa nga siya, narealize ko lang na hindi kita masyadong kilala. I mean humantong tayo sa ganitong relasyon na hindi pa natin nakilala ang bawat isa" ani kong ikinunot ng noo nito.
"Hey... hey, ayoko ng ganoon, parang may mali sa sinasabi mo... d-do you have regrets being my girlfriend?" mahinang tanong nito humawak sa magkabilang pisngi ko.
"Please Cielo, I don't like what's going on in your mind right now... tell me na hindi ka nagsisi sa akin" mahinang sabi pa rin nito.
Napangiti ako sa biglaang pagkataranta nito.
"Hindi naman sa ganoon. I mean tama si Melissa, hindi pa kita nakilala ng husto, wala naman akong pagsisi sa atin... mahal kita Liam, ako pa nga ang mas nahihiya eh" ani kong humawak sa kamay nito na nasa magkabilang pisngi ko.
"Thank heavens..." napabuntong hininga nitong sambit.
"Kaya lamang nga... dapat ngang alamin ko ang ibang bagay sayo, like yung mga bawal sayo, ni wala akong alam sa paborito mong pagkain kasi naman panay kain mo lang sa mga hinahanda ko ng walang reklamo, ang alam ko lang paborito mong kulay e itim at minsan puti kasi yun lagi ang suot mo eh" ani ko pang muli.
"Hindi importante sa akin yun okay? Ikaw lang ang kailangan ko, ikaw lang sapat na. I mean dito nga sa bahay daig ko pa ang may asawa sa sobrang maasikaso mo, pati gamit ko inaayos mo. I'm just so grateful for having you, for coming into my life" bulong nitong kinapulahan ng mukha ko.
"I love you... nag uumpisa pa lang tayo, pwede naman nating kilalanin ang isa't isa along the way" seryosong ani nitong muli.
"Ako din mahal, I'm not perfect. I have a lot of baggage, pero aayusin ko ang lahat para sayo" bulong nitong muli.