Chapter 12

12.4K 378 11
                                        



***

" Need help?"

Umiling ako.

" Hindi na, kaya ko na ito" sagot ko sa pagluluto. Isang simpleng adobo at gulay lamang ang iluluto ko.

Tumango naman itong bumalik sa sala niya kasama si Dylan na nakalimutan na yata ako sa presensiya ni Liam. Halata sa kanya ang tuwa na marahil may kalaro siyang katulad niyang lalake.

Sinulyapan ko silang muli, abala at abot hanggang tenga ang ngiti at tawa ni Dylan sa pagkakaaliw sa inilabas ni Liam na laruan, mga racing cars na may racetrack.

"Ang galing mo kuya! Paano mo nagawa iyon?" rinig kong sabi pa ni Dylan kay Liam. Sa unang pagkakataon ay parang ngayon ko lang nakitang masaya si Dylan, madalas ko naman siyang dalahin sa mga Arcade ngunit hindi siya kasing saya ngayon siguro dahilang mas naiintindihan ni Liam ang mga gusto ni Dylan.

Kita ko ang tiyagang pagtuturo ni Liam kay Dylan ng nilalaro nila, at pagkuwa'y may ibinulong ito sa kapatid ko na siyang lapad naman ng ngiti ng isa.

"Talaga kuya?!" ani ni Dylan na siyang ikinatango si Liam.

"Wow! Ang astig mo! Pangako mo yan?" ani pa nitong muli.

"Oo... pangako, pero ipapaalam natin sa ate mo, pero wag muna ngayon okay?, medyo busy pa ang ate mo eh" rinig kong sabi nito kaya lumapit ako.

"Mukhang nageenjoy kayo ah, ano yun ipapaalam niyo sa akin?" tanong kong umupo sa tabi nila.

"Wala ate, secret muna" sagot ni Dylan.

"Ang arte naman, may pasikre sikreto pa kayong nalalaman" irap ko.

"Secret nga ate eh..."

"O siya bahala kayo. Naku, Liam wag mong masyadong iniispoiled itong si Dylan baka masanay" ani kong tumayo, pansin kong tumayo rin si Liam na sumunod sa akin.

"It's okay, natutuwa nga akong nageenjoy siya" ani nitong umupo sa countertable.

"Luto na ba? Ang bango...nagugutom na ako"

"Hindi pa, saka kakakain lang natin kanina ah" ani kong tukoy ang pag almusal namin sa labas.

"Ang bango ng niluluto mo eh, nagugutom na ako" aniyang humahaplos haplos pa sa tiyan niya.

"Sige malapit na, tatawagin ko na lang kayo kapag nakahanda na" sagot ko.

Sumunod naman itong sinundan ko ng tingin. Malayo sa Liam sa eskwelahan ang Liam na nakikita ko ngayon, kung naandito lang si Mia, matutuwa yun. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ito. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya, alam kong malaki ang pagkakagusto niya kay Liam.

Naghanda ako ng mesa at naglabas ng mga kubyertos at plato. Napangiti akong naalala na halos di magkandaugaga si Liam kanina sa paghahanap ng plato, wala nga siyang mga gamit pangkusina. Panay lang ang hawak nito ng batok tuwing tinatanong ko sa kung anong wala sa kusina niya, nagpilit pa siyang bumili ng ilang gamit ngunit tinanggihan ko dahil sa ilang araw lang naman kami. Halata ring wala talagang alam si Liam sa pamimili, panay lang din ang sunod niya sa amin ni Dylan.


*

"Ang sarap kuya no?" ani ni Dylan.

Panay lang ang tango ni Liam na hindi makapagsalita dahil sa puno ang bibig.

"Masarap talagang magluto si Ate, lalo na yung sinigang niya at kare-kare saka menudo saka-" pagbibida ni Dylan na sinabaran ko agad, nakakahiya! Natural lang na masarap yun sakanya dahil sanay na siya sa luto ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon