***" Are we clear about that? Don't ever bring up that topic again okay?" mahinang sabi pa rin nito.
Napabuntong hininga ako. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.
"I'm more at peace kapag kasama ko kayo, the more that I will be anxious kung lalayo kayo sa akin" dagdag pa nitong muli.
"Okay then..." suko kong sagot.
"Thank you, I promise na hindi ako gagawa ng ikagagalit mo okay?" aniya pang muling tinanguhan ko. Kumalas itong umupo sa sofa habang nakahilig ako sa kanya.
"Liam... I have my conditions too" ani ko.
"What is it?"
" Hati tayo sa groceries at lahat ng expenses dito sa bahay mo, alam kong maykaya ka, pero ayaw ko rin namang tumira kami dito ng libreng libre. Maghahanap akong muli ng part time, may sapat naman akong ipon....Gusto kong hati tayo sa gastusin dito sa bahay mo, sa lahat" ani ko dahil ayaw ko namang magmukhang linta dito na puro tanggap na lang at umasa sa kanya sa buong buhay namin. Kahit papaano may hiya at dignidad pa naman ako. Kaya kong buhayin ang kapatid ko at ihanda ang kinabukasan niya.
"Cielo... sabi ko naman sayo" aniyang muli.
Napasapo ako sa noo kong kumalas dito.
"Yun lang Liam, kung ayaw mo... lilipat kami, hindi pa tayo mag asawa para dumepende ako sayo ng husto kasama na si Dylan" ani kong nagpapaliwanag dito.
"Then marry me ASAP" aniyang muli na walang pakundangan.
Napailing ako.
"Hindi... hindi mo naiintindihan, hindi yun ang ibig kong sabihin-" naiinis ko ng sagot dahil pakiramdam ko, hirap siyang unawain ako.
"Okay... okay, I get your point, o sige na pumapayag na ako" suko nitong sabing hinigit akong muli sa dibdib niya.
"Ikaw na yata ang pinakafrustrating na taong nakilala ko, ang tigas ng ulo mo kaya lang madalas din ay di ako manalo sayo" aniyang humahalik sa tuktok ng buhok ko.
"Listen to me, don't mind others, buhay natin ito. They don't have any say kung anuman ang desisyon natin, kung ako lang ang masusunod ayokong magtrabaho ka, gusto ko pa ngang mag enroll kang muli sa kursong gusto mo, kaya kitang suportahan kahit si Dylan... pero alam kong tatanggi ka at aawayin mo lang ako kung ipipilit ko pa. I don't want that to happen... I can't stand you getting mad and angry with me" aniyang habang humahaplos buhok ko.
"Sige kung gusto mong magpart time ulit, papayag na ako but you'll stay here with me got that?" aniyang tinanguhan ko.
"At share tayo sa expenses dito sa bahay mo sa lahat" dagdag ko pang ikinailing nito.
" Pasalamat ka at mahal na mahal kita" aniyang bulong na humalik sa tuktok ng buhok ko.
"Pasalamat ka din at mahal din kita kundi matagal ko ng inabuso yang kabaitan mo" biro kong pabalik.
"Sabi ko naman sayo, I don't mind being abused by you" aniyang sagot.
Nakayakap lang itong habang nakahahilig ako sa dibdib niyang nakaupo kami sa mahabang sofa nito. Masarap sa pakiramdam, tahimik at payapa... nakakatahimik ng isip.
"What's your plan for your birthday?" biglang tanong nito.
Umiling ako.
"Next week na yun, that is your debut" sagot nito.
" Simple lang magsisimba lang at dadalaw kina Mommy at daddy" sagot kong ikinatahimik nito. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso nitong ikinaangat ko ng tingin. Nakapikit lang itong sumandal habang nakayakap sa gilid ko.
