Chapter 14

12.3K 369 28
                                        




***
" Ready na ako Ate" naglapag na siya ng gamit sa katabi niyang upuan.


"Saglit lang magbibihis lang ako" baling ko kay Dylan. Kailangan ko siyang ihatid sa eskwelahan.

"You don't have class for today right?" sabat ni Liam.

"Huh? O-oo" tugon ko. Wala kong ideya na alam niya ang schedule ko.

"Pero may pasok ako sa coffee shop mamyang two" dagdag ko.

"I know, I mean madalas kasi kitang nakikita sa coffee shop ng ganoong oras kapag ganitong araw" aniyang tinanguhan ko.

"Kumain ka na Dylan, magbibihis lang sandali si Ate" baling ko kay Dylan dahil ihahatid ko siya sa eskwela, medyo malayo ang tinitirhan ni Liam sa eskwelahan ni Dylan kumpara sa bahay ni Auntie Minda na isang sakay lamang.

Naisip ko na ito kagabi pa na kung magtatagal si Auntie Minda sa Cebu ay maghahanap ako ng matutuluyan namin na mas malapit sa eskwelahan niya. Napagtanto kong mahigit dalawang buwan na lamang at nasa legal na akong edad, kukuhain ko ang kustodiya ni Dylan. May ipon naman ako, kailangan ko lang kausapin ng masinsinan ang tiyahin ko at saka kami lilipat ng ibang lugar.

"U-uhm, no need Cielo. I can drop him to his school" sabat na pigil ni Liam sa akin.

"Ihahatid mo ako Kuya? Wow.. ang astig nun!" tuwang tuwa ani ni Dylan, na ang tinutukoy nito ang magarang sasakyan niya.

"Naku, hindi na. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

"Mamyang hapon pa ang pasok ko, isang subject lang"

"Wag na Liam, nakakahiya...saka wag mong masyadong sinasanay itong si Dylan" sagot ko.

"Ate..."

Pinandilatan ko siya ng mata, hindi ko pa siya nakakausap sa asal niya.

"Sorry po, wag na kuya..." ani ni Dylan kay Liam na malamang naintindihan ang ibig kong sabihin.

"No, I insist. Besides, lalabas din naman talaga ako, may dadaanan akong libro sa kaibigan ko. I'll drop him" giit ni Liam na tumayo nang may ibinulong kay Dylan na siya namang nakapagpangiti sa isang tumango.

"Liam..."

"Hey, It's not a big deal, I can drop him off... don't worry he's safe with me. I'll be careful in driving...I promise" ani nitong humarap sa akin.

Di ako umimik. Malaking pabor na ang pagpapatira nito sa amin pansamantala, ayokong makaabala sa kanya ng sobra sobra.

"Please, I insist" malumanay na sabi nito.

"Di ka naman mapigilan diba?" sagot ko.

Natawa lang itong tumango.

"Sige ikaw ang bahala..." suko ko.

"Then it's settled, hintayin mo ako sandali, magpapalit lang ako ng tshirt ko" aniyang baling kay Dylan na siyang nakapagpangiti ng malapd sa isa.

"Usap tayo mamya ha, hintayin mo ang dating ko ha, wag mo akong tutulugan" baling ko kay Dylan habang nasa itaas pa si Liam.

Wala nga akong nagawa at sumang ayon na lamang kay Liam.


*

"Oh, andyan ka na pala"

"Anong ginagawa mo?" aniyang umupo sa countertable at inilapag ang dala niya.

"Sinasalin ko lang sa lalagyan ang mga ito, bale nagluto na ako ng lunch at saka hapunan mo kasi baka mahuli kami ng dating ni Dylan, init mo na lang"sagot ko. Natutuwa kong kahit papaano ay may nagagawa ako para sa kanya, alam kong maliit na bagay lamang iyon kumpara sa pagpapatuloy niya sa amin.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon