***
Nakatingin pa rin ako sa gawi nila, humawak muli si Melissa sa isang braso ni Liam habang naguusap ng lumingon sa gawi ko si Liam. Umiwas ako ng tingin, hindi ko gusto ang pakiramdam kong parang may kurot sa puso, wala rin akong ideya sa lalim ng relasyon nila bilang magkaibigan o magkababata.
Hindi ako pwedeng magselos.Tumungo ako sa gawi ni Tita Cel na kausap ang katulong ng maramdaman ko ang pag akbay ni Liam na humalik sa sentido ko.
Umangat ako ng tingin na ngumiti ng tipid.
"Okay ka lang?" tanong nitong tinanguhan ko.
Napalingon ako sa gawi ni Melissa na nakatitig lang sa amin na nakahalukipkip.
"Tapos na kayo magusap?" mahinahong tanong ko.
Tumango ito.
Nakasunod lang si Liam habang tumulong ako kay Tita Cel ng paghanda ng tsaa at sweets.
Nakikinig lang ako sa paguusap nila na madalas tungkol sa magulang ni Melissa at mga anak ni Tita Cel at pamumuhay nila sa Amerika.
"Do you want to go home now?" bulong ni Liam sa tabi ko.
Umiling ako, gusto ko ng magpahinga ngunit ayaw ko namang magmukhang bastos sa kanila na magpaalam agad.
Tumayo si Liam na hawak ang kamay ko.
"Tita, mauna na po kami... Cielo is tired, so with Dylan may pasok pa siya ng maaga bukas" ani ni Liam.
Napatingin si Melissa sa orasan niya.
"It's still early Drew" ani nito.
"Mabuti pa nga, magpahinga na kayo, saka hindi titigilan ni Carlos si Dylan hangga't di nakakabawi" aning sabad ni tita Cel.
"Next time po uli Tito" sabad ni Dylan mula sa kabilang mesa.
"We have to go Mel... at saka may tatapusin pa kasi akong designs " aning muli ni Liam.
"Oh, kung kailangan mo ng tulong...I'm free, pwede kitang tulungan just give me a call okay?" aniyang ngiting tinanguhan ni Liam.
"Salamat po Tita" ani kong yumakap kay Tita Cel.
"Your always welcome iha" yakap pabalik nito.
"Magiingat po kayo sa byahe ninyo" ani ko pang muli.
"Salamat, at ikaw na ang bahala sa pamangkin ko ha" ngiti ni Tita Cel.
"We'll go ahead" ani ni Liam na humawak sa kamay ko habang nakasunod si Dylan.
Nagpaalam rin kami kay Tito Carlos na siya namang humahaplos sa ulunan ni Dylan.
Kita at ramdam ko ang titig ni Melissa sa amin hanggang palabas ng bahay ni Tita Cel.
*
Ramdam ko ang pagod sa walang dahilan.
"Okay ka lang?" tanong muli ni Liam.Tumango ako.
"You're quiet... a-are we good?" tanong nitong sumulyap sa gawi ko.
Tumango akong muli.
Sinilip kong nakatulog na si Dylan sa likod.
"Cielo... is there something wrong?"
"W-wala, okay lang ako... malayo pa ba?" tanong ko. Gusto ko na lang humiga at magpahinga.
"Malapit na tayo... in few minutes" aniyang sagot ng inabot nito ang isang kamay kong ipinahinga sa hita niya.
