Chapter 34

10.5K 280 7
                                        




***

"Sino yon?" gulat akong napatingin sa tabi ko.

"Pinsan ko, Belle" sagot ko. Tinanaw ko pa rin ng tingin ang papalayong si Ate Luisa.

"Pinsan? anak ng Auntie mo?" tanong nitong muli na tinanguhan ko.

"Anong kailangan niya at pinuntahan ka pa niya dito? Did she threat you or something?" ani nitong muling hinigit ako papalayo doon.

Umiling ako.

"Cielo..." ani nitong muli ng tumunog nag telepono niya.

"Wait..." aniyang kumpas ng kamay niya.

"Yeah.. she's with me, papunta na kami sa parking" rinig kong sabi nito sa kausap at saka bumaling muli sa akin.

"Si Marcus yun, kanina ka pa niya hinahanap...aligaga eh, kasi malalagot siya kay Liam kung hindi ka maihatid" hagikgik nito.

"Nakakahiya na nga eh, pwede naman akong magtaxi pauwi" sagot ko.

"No, Liam's order Sis" tawa nitong angkla sa akin papunta ng parking kung saan naghinhintay sina marcus ng matanaw ko sa kalayuan si Mia na nakatingin rin sa gawi namin.

"Don't mind her, halika na" hila nito sa kamay ko.

Napabuntong hininga ako ng umiwas ng tingin si Mia, halata pa rin sa mukha nito ang sama ng loob at galit. Nagpatianod na lamang ako sa hila ni Belle.


*

"Bok! namiss kita" akmang yakap ni Marcus kay Liam.

"Gago ikaw hindi" sagot ni Liam n nakatawa,napatitig ako sa mukha niya, may iilang mga bagong pasa na naman. Tumingin ito sa gawi ko.

"Mukhang marami kang kaibigang kakosa dito ah" biro pang muli ni Marcus na marahil pansin din ang mga pasa at sugat ni Liam.

"U-uhm, Marcus... halika muna sa labas, samahan mo kami dyan sa convenient store sa labas" aya ni Belle at Albert.

"Huh? kapapasok lang natin ah" protesta nito ngunit wala na ring magawa ng hinila na siya ni Albert.

"Nakipagaway ka na naman?" mahinahong tanong kong sinuri ang ilang sugat nito.

"Hindi, sila ang nangaway" tawa nito.

"Hindi nakakatawa, walang nakakatawa sa hitsura mo ngayon" seryoso kong sagot naglabas ng betadine at bulak na nasa bag ko ng ginamot ko ito nung nakaraan. Hindi ko maintindihan na napakalmado pa niya at nagagawang magbiro sa ganitong sitwasyon.

Marahan kong dinampian ang mga sugat nito, naawa ako na nalalagay siya sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa madaling pag iniy ng ulo niya, o sadyang napapaaway na lang siya dahil sa impluwensya ng asawa ng tiyahin kong dating pulis din.

"Hey, galit ka ba?" malumanay na tanong nito ng nanahimik ako.

Umiling ako.

"Sinasadya ba nila ito?" napapalunok kong tanong. Wala akong ideya sa kung anong meron sa loob ng kulungan, ang alam ko lang ay hindi ligtas na lugar yun at nakakatakot ang ilang preso doon.

"Hindi, may mga may ayaw lang sa akin dito, na hindi nila ako mapasunod sa gusto nila.. don't overthink okay?" aniyang humaplos sa pagkakakunot noo ko.

"Kahit di mo sabihin, alam kong nahihirapan ka na" sambit kong nagsasalansan ng mga gamot sa isang lalagyan para madala niya sa loob.

"I admit nahihirapan ako, but not in the sense na nahihirapan ako dito. Nahihirapan akong hindi ko kayo nakikita, hindi ko kayo nababantayan, lalong lalo ka na" malumanay nitong sabi na inangatan ko ng tingin.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon