***
Pinasadahan ako ng tingin nito. Nakakapangilabot.
Umatras ako.
"A-anong ginagawa mo rito?' halos garalgal kong tanong.
"Maniningil ng pautang" aniyang ngisi.
"Sinira mo ang buhay ko, p*ta*ng *na ka!" aniyang nag iigting ang panga.
Umatras akong muli na humagilap sa likuran ko ng pwedeng kuhain.
"Ang ganda mo pa rin P*ta ka" aniyang ngisi na umabante.
"Ate, paano nga uli itong apps na it-" ani ni Dylan na sumabad ng ramdam ko ang pagtigil nito.
"Uncle-" halos bulong ni Dylan.
"Dylan!" ani kong humawak sa kamay niya ngunit mas mabilis siyang nahablot ni Uncle Roman.
Utang na loob, wag niyo pong idamay ang kapatid ko!" pakiusap ko.
"Ate' rinig kong ani ni Dylan ngunit mahinahon. Bakas ko sa mukha niya ang takot ngunit kalmado.
"Bakit ko gagawin iyon? Sinira mo ang buhay ko?! Alam mo bang gusto akong hiwalayan ako ng Auntie mo?! At ang mga anak ko ay halos ayaw na rin kong kausapin?!" galit na galit na sabi nito.
"Dahil sayo Cielo! pagbabayaran mo ang pagkasira ng buhay ko! Ng pamilya ko!" aniya pang muli na nagiigting ang panga sa galit.
Hawak niya si Dylan sa leeg.
"Please po, pakawalan ninyo si Dylan, kakausapin ko po si Auntie" ani kong pakiusap na pinipilit kong maging mahinahon.
"Putang*na! wala ng magagawa ang pakiusap mo!" aniyang parang wala sa sarili.
"Parang awa niyo na po," ani kong nakikiusap muli.
"Tang*na!" aniyang naglabas ng baril mula sa likuran niyang lalong kong ikinaba at takot.
"Uncle, pakiusap po... m-may restraining order kayo sa amin, kapag nahuli kayo dito makukulongkayo" ani ko.
"Wala akong pakialam sa restrainingorder na sinasabi mo!" aniyang nakatawa. Nakangisi siyang mukhang wala sa sarili. Nakakatakot ang ekspresyon ng kanyang mukha ng parang wala katinuan.
"Hindi ako tanga! Bago pa ako mahuli ay mapapatay ko muna kayo!" aniyang galit na galit.
Humakbang ito papalapit sa akin habang nakatutok ang baril kay Dylan.
"Pakawalan niyo po si Dylan... please po, parang awa niyo na po" pakiusap kong nagmamakaawa, ayokong ma trauma si Dylan.
Tumawa ito ng malakas.
"Hindi ako tanga!, makakaganti na rin ako sa inyo! Sayong p*ta ka!, nakahanap ka lang ng ibang lalake, kaya panay ang tanggi mo sa akin nuon" aniyang parang baliw at wala sa sarili.
"Nanghihinayang akong hindi ako ang unang nakakuha sayo..." aniyang may ngising aso.
"Siguro naman ngayon.... mapagbibigyan mo na ako" tawa nitong nakatutok pa rin kay Dylan.
"Uncle wag niyo pong gawin ito, napatawad ko na po kayo" pakiusap kong muli habang kumakapa ako ng pwede kong maipamalo, maipanlaban dito mula sa likuran ko.
Tumawa ito.
"Hindi ko kailangan ang kapatawaran mo, biruin mo yun nabuhay pa ang walanghiyang lalake mo, kahit ilang beses ko siyang ipinatumba sa kulungan?" tawa nito.
