***
Tanaw ko siya papalayo.
Bumalik ako sa pinagiintayan kong bangko sa loob ng Unibersidad. Inaanalisa ko ang sinambit ni Ate Luisa. Mahirap ngang magbigay ng tiwala sa isang tao, na kahit sinong may magandang mukha at pananamit ay di mo alam kung ano ang tunay na pakay o intensyon sayo kahit nga ang malapit mo ng kamag anak o kaibigan.
Hindi ko lang maintindihan kung ano at sino ang pinupunto niya, marahil si Liam ngunit sa sandaling pagkakakilala ko kay Liam ay tunay na seguridad ang naramdaman ko, pakiramdam ko ay lagi akong safe at protektado niya. Maaring siya ang Liam na madalas mapaaway o may rekord sa pulisya ngunit ibang Liam ang pakita niya sa amin, mahinahon at malaki ang respeto pagdating sa akin, kailanman ay di niya ako pinakitaan ng masamang pagnanasa bagkus lagi siyang maingat at madalas rin ay naghihingi pa ng permiso sa akin bago pa makahalik.
Napabuntong hininga akong napatingin sa hawak ko.
"What's with the sigh?"
Napalingon akong umangat ng tingin na napangiti. Hinagkan ako nito sa noong tumabi sa akin.
Umiling ako.
"Ba't maaga kang lumabas? maaga ka ng kinse minutos" ani ko.
"Natapos ko agad ang designs na ginagawa ko, si Albert naiwan pa" aniyang nakangiting napatingin sa hawak ko.
"What's that?"
"Uhm, nakalimutan daw ng pinadala ni Tito Gary na gamit namin ni Dylan, dinala ni Ate Luisa kanina" sagot ko.
"Siya lang? aware naman siyang may restraining order against her parents diba?" tanong niyang tinanguhan ko.
"Alam niya, paalis na sila... papunta ng Cebu, ibinigay lang niya ang mga importanteng dokumento namin ni Dylan at itong box kong lagayan ng ilang memorabilia" ngiti kong sagot na binuksan iyon.
"Diary ko, pictures ni Dylan ng baby siya, at family picture namin" ani kong ipinakita dito. Matama naman nitong tiningnan ang ilang litrato at saka ibinalik sa akin.
"You look like your Mom..." komento niyang napangiti.
"Yan na lang kasi ang natirang pictures, sayang di ko nakuha ang iba doon sa lumang bahay namin" ani kong isinilid muli ang litrato sa karton.
Di ito umimik na nkatingin lang sa akin.
"L-let's go?" aniyang tanong.
"Hindi na ba natin iintayin sina Belle?" tanong kong muli.
" May klase pa sila ni Marcus, si Albert na lang ang maghihintay sa kanila and Nico is busy" sagot nito.
Tumayo akong kinuha niya ang hawak ko.
"Susunduin lang natin si Dylan, kina Tita Cel tayo magdidinner" aniyang papunta kami ng parking.
Tumango ako.
*
Dumaan kami ng bakeshop bago tumungo sa bahay nina Tita Cel, nasa isang ekslusibo subdibisyon din sila, halos kasing laki ng bahay ni Liam ang tinitirhan nila. Magara at sosyalin na nagpapakita ng karangyaan sa buhay.
"Cielo" ani ni Tita Cel na sumalubong sa amin.
"Glad you make it, alam kong busy kayo...kaya lang paalis kasi kami sa susunod na araw, kaya nagpilit ako kay Andrew na dito kayo magdinner bago man lang flight namin" ani nitong umangkla sa akin papuntang living room nila, samantalang si Dylan naman ay sinalubong ni Tito Carlos na nag aayang maglaro ng chess, nakasunod lamang si Liam sa kanila.