Chapter 28

10.4K 325 14
                                        




***

"Puta! Ang sikip ng pantalon na to!"

Pilit nitong ibinababa ang pantalon kong suot, wala na akong lakas, ubos na rin ang enerhiya kong lumaban. Suko na ako...

Ang tanging nagagawa ko na lamang ang makiusap, ngunit masyado na akong mahina para marinig pa niya. Ramdam ko na lang ang pangingilid ng luha ko.

Aninag ko ang pagtatanggal din nito ng sandong suot. Nakangisi pa itong habang tinitingnan ang kahubdan ko, wala na akong magawa.

Dumagan itong humalik sa leeg ko pababang muli hanggang sa isang parte ng dibdib ko, rinig ko ang paulit ulit nitong mura. Tumayo itong lumuhod na unti unti nitong ibinababa ang suot kong pang ibaba. Nagpilit akong bumaluktot ngunit sumuntok ito sa isang bahagi ng hita ko, parang namanhid na rin ako sa sakit.

"Wag ka ng lumaban puta ka!" sampal nitong muli, aninag ko ang pagtatanggal niya ng pangibaba niyang suot.

Dumagan itong pilit na ipinagbabahagi ang binti ko.

Napapikit ako sa sakit ng sampal. Hinang hina na ako.

Wala na akong magawa kundi isipin na lang ang kahit na anong magandang memories na meron ako sa buhay. Noong panahong nandyan pa ang mga magulang ko... si Dylan... o si Liam.

Hinihintay ko na lamang na gawin niya ang makamundong bagay na matagal na niyang plinaplano.

Pumikit ako.

Bingi na rin ako sa paligid.

Humawak ito sa magkabilang baywang kong pilit na ipinagbabahagi ang hita ko, alam kong kahit anong oras ay matatagumpayan niyang gawin ang gusto niya, ngunit sa isang iglap ay parang naglaho ang nakadagan sa akin.

"Son of a bitch!!!" rinig kong may humablot kay Uncle Roman palayo sa akin.

Hindi ko mawari... medyo nanlalabo pa ang paningin ko.

"Dammit! Damn! Damn!"

Naramdaman ko ang paghawak ng marahan sa pisngi ko.

"C-cielo"

Dumilat akong napatingin sa mukha ni Liam. Di ko maintindihan ang ekspresyon nito. Ramdam ko na lamang ang damit na ipinapasuot niya sa akin, at saka ipinaupo sa pinakadulo ng kama, ramdam ko rin ang kumot o twalyang ibinalot nito s katawan ko. Nagingilid ang luha kong nagpapasalamat sa pagdinig ng panalangin ko. Ramdam ko ang panlalambot ng kalamnan ko sa sobrang sakit o hapo.

"A-are you okay?" mahinahong tanong nitong tumango ako.

Masyadong maingay sa kwarto, rinig ko ang pagmumura ni Liam at paulit ulit nitong pagsuntok sa asawa ng tiyahin ko, dumagan pa itong pinagsusuntok ang mukha, rinig ko ang mahinang pagmamakaawa nito kay Liam. Tanging hikbi na lamang ang nagagawa ko sa gulo. Isang malakas na tadyak pang muli ang ibinigay bago bumaling sa akin.

"I'm sorry! I'm sorry... nahuli ako ng dating" aniyang medyo garalgal pa ang boses, panay na lamang ang tango ko.

Sandali pa itong binalikan si Uncle Roman na pinagsusuntok muli at tinadyakan ng marinig namin ang pagbukas ng pinto.

"Ano ito?!" Si Auntie Minda.

"Anong ginagawa mo?!" aninag kong lumapit kay Liam na pinagsusuntok at saka lumapit sa asawa.

"Anong ginawa mo! Mamamtay tao ka! Cielo!!!" aniyang napatingin sa akin, di ko maampat ang luha ko. Tinabig nitong muli si Auntie Minda at saka pinagsusuntok muli si Uncle Roman.

"This bastard tried to rape your niece!" sigaw ni Liam.

Kita ko sa mata ng tiyahin ko ang talim ng titig sa akin, alam kong hindi siya naniniwala.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon