Chapter 26

10.9K 295 24
                                    




***

Nagpang abot pa rin kami sa hapag kinaumagahan na kahit anong iwas ko mula kagabi, ayaw kong isipin at hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Lito ako, may isang parte sa puso ko dapat kong iwasan si Liam dahil ayaw kong makasakit sa mararamdaman ni Mia.

"Eat more" aniyang ipinagsandok pa ako.

"Busog na ako" ani kong nakatungo at nagligpit ng pinagkainan ako.

"Mag prepare ka na, ako na ang gagawa niyan" aniyang tumayo na rin.

Hindi na ako nakipagtalo, pakiramdam ko ang taas ng tensyon sa pagitan namin. Tinulungan ko na lamang siyang magligpit.

"I don't like this Cielo, you're avoiding me" aniyang humawak ng marahan sa braso ko.

"Hey, I'm sorry okay... I'll eventually confess, napaaga lang" mahinang sabi nito.

"Besides. I think it's for the best na dapat ko ng sabihin sayo ng maaga" aniya pang muli.

Hindi ako umimik na tumungo lamang. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso.

"Go and get your things, ihahatid kita" aniya.

"Liam, wag na... hindi pwede" ani ko.

"Why?'" kunot noo nitong tanong.

"Basta hindi pwede, mag cocomute na lang ako" giit ko. Pakiramdam ko kailangan kong lumayo at iwasan siya, baka hindi ko mapanindigan ang tama at para sa ikabubuti ng lahat.

"No Cielo, ihahatid kita" pagpipilit nito.

"Liam, ano ba? Papaano si Mia?" pagod ko na namang sagot. Lumapit itong humarap sa akin.

"I made it clear with her, hindi ko siya gusto and I don't think I need to explain to her, I never leaded her on, hayaan mo siya she'll eventually accept it" aniya.

"Hindi ganun kadali yun, mahirap yun para sa kanya...lalong lalo na para sa akin, kaibigan ko siya" sagot kong medyo naiinis na dahil wala akong maisip na solusyon dito kundi umiwas o lumayo, ayaw kong magkasiraan kami ni Mia.

"She have to accept it Cielo, hindi ko siya gusto" ani pa nitong muli.

Di ako nakaimik. Lumapit pa ito ng mas malapit na inangat ang baba ko para mapatingala.

"I'm sorry okay? I can't like her back, it's only with you" mahinang sabi nito.

Napaiwas ako ng tingin na tumungo.

"Get your things, isasabay na kita" ani nito.

Wala din lang akong nagawa kundi sumunod.

"Sa coffee shop mo na lang ako ibaba" ani ko.




*

"Ate Faye" bati ko sa manager namin.

"Oh, Cielo, nag away ba kayo ni Mia?" tanong nito.

"Huh? Ah eh , may hindi po siguro pagkakaunawaan di rin po niya sinasagot ang mga tawag at text ko" sagot ko.

"Nagmamadali siyang lumabas kanina, maaga pa sa dapat labas niya... e dati rati naman tumatambay pa yun dito lalo na kapag ikaw ang duty" ani ni Ate Faye.

Tinext ko muli ito ngunit hindi ako nito sinagot.

Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba itong napasukan kong problema?


*

Nagmadali akong pumasok sa University, naisip kong maabutan ko si Mia, papunta na ko sa Building nila ng marinig ko ang tawag sa pangalan ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon