***
Hindi ito naimik ng papunta kami sa klase ni Prof. Chavez.
"Uy, okay ka lang?" tanong kong tumango naman ito.
"Sorry kanina, ang kulit lang talaga ng Marcus na iyon" aniya.
"Okay lang. I didn't know and I'm just surprised na kinoconsider mo ako as one of your closest friends" biro kong sagot. Pansin ko a ng pagblublush nito ng bahagya. Napangiti ako, sinong magaakala na ang katulad ni Liam na ang personalidad na mainitin ang ulo, masungit at may image na pagkabad boy ay may hiya sa katawan.
Napahawak ito sa batok niyang ngumiti ng tipid.
"Uy, joke lang yon" bawi kong biro dito.
" I do Cielo, I consider you as one of my closest friends" ani nitong papasok ng AVR. Hindi ako nakaimik at natigilan ako sa paglalakad, halos isang buwan pa lang kaming nagkakausap, bagamat madalas ko siyang makita sa coffee shop o sa campus ay di ko naman siya kinikibo, nagkataon lang na nalaman niya ang problema ko.
Sumunod ako sa kanya sa likod kung saan kami madalas umuupo.
"Move, that's our seat" ani nito sa isang estudyanteng umupo sa bandang inuupuan namin madalas.
"I said move-" aniyang pinigilan ko ito. Halata sa mukha ng kapwa namin estudyante ang taranta at takot.
"Liam, ano ba?" saway ko ditong hinila ito sa kabilang sulok. Nagpatianod na lang siya sa hila kong umupo sa iginiya kong upuan.
" Ano ka ba? dapat di mo ginawa yun" giit ko.
"That's our seat Cielo, hindi naman yun ang usual na inuupuan niya" masungit na sagot niya.
"Kahit na, pambubully na yun saka kahit naman saan pwedeng umupo. Kalayaan niya yun siya ang naunang dumating" sagot ko.
"Wag mo ng uulitin yun ha" dagdag ko pang bumaling dito ng tingin na siyang nakakunot noo pa rin.
Tumango lang ito ng parang napipilitan lang.
Lumingon ako sa gawi ng estudyanteng yumuko, sumenyas na lamang ako ng dispensa dito.
*
"Yung telepono mo, panay ang tunog" puna ko.
"Hayaan mo lang, mga kaibigan ko lang yun" sagot nito ng paakyat kami sa condo nito pagkasundo kay Dylan.
"Bakit di mo pa kasi sagutin, kaninang umaga pa nga yan sa coffee shop" sagot ko ng pansin kong inoff na nito ang telepono niya.
"Hayaan mo lang sila, I don't want to go out" simpleng sagot nito ng papasok kami sa bahay niya.
"Lalabas ka kuya?" sabad ni Dylan.
Umiling itong humaplos muli sa ulunan ni Dylan.
"You cleaned again?" puna niya pagkapasok.
Tumango ako, hindi naman big deal iyon.
"You don't have to Cielo, may cleaner dito na pwedeng gumawa nun" aniyang iritable.
" Maliit lang yun na bagay, yun ng sana ang sasabihin ko sayo, wag mo ng papuntahin ang cleaner mo" sagot kong dumiretso na rin sa laundry area para kuhain ang natupi kong damit niya kanina.
"At ito na rin ipinaglaba na rin kita" ani ko.
"Pasensiya ka na, pinakialaman ko na yung hamper mo sa banyo at yung ibang gamit mo isinalang ko na lang sa washing machine, pero yung pampasok hinandwash ko. Nakasampay pa ang iba" ani kong muli na ang tukoy ko ang personal niyang gamit. Hindi naman ako masyadong ilang doon, dahil sanay na ako kay Dylan sa gamit nitong panlalake.