Chapter 20

11.5K 377 13
                                        




***

Walang imik itong nagpatakbo ng sasakyan niya.

"Liam..." ani kong kuha sa atensyon nito, pansin ko ang pagdugo na hindi ko alam kung sa kamay niya galing o sa nasuntok niya at pasa ng kamao nitong muli. Naandon pa din ang gasgas gawa ng nakaraang gabing mapaaway siyang muli.

"Ihinto mo diyan sa convenient store" sabi ko.

"Why?" sagot nito.

"May bibilhin lang ako" sagot ko.

Huminto naman itong, akmang susunod pa ng pinigilan ko na ito.

"Ako na, mag intay ka na lang dito" sabi kong sumunod naman.

Bumili ako ng yelo at disinfectant.


*

"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo?" malumanay kong tanong habang nilinis ko ang sugat sa kamay nito.

Hindi ito umimik.

"Hindi pa nga magaling ang sugat mo sa mukha at kamay, nakipag away ka na naman" ani ko pang muli.

"I'm sorry" malumanay na sagot nito.

"Wag ka sa akin humingi ng dispensa, sa nasuntok mo" sagot ko.

"Ano bang problema, bakit ka ang sungit at ang init ng ulo mo?" tanong kong muli.

Umiling itong tumahimik.

"Lagyan natin ng yelo, para di lumala ang maga" ani ko.

"Hindi sa lahat ng bagay pinapairal ang init ng ulo, ieenrol kita sa anger management eh" dagdag ko pang biro para mabawasan ang tensyon niya.

Hindi ito umimik na pumikit lang na sumandal sa upuan niya habang hawak ko ang isang kamay nito.

"Natakot ba kita?" malumanay na tanong nito.

"Hindi naman, pero nakakatakot ka ngang magalit" matapat kong sagot.

"Sorry" simpleng sabi nito.

"Hindi pwedeng laging ganyan na kapag galit ka, mananakit ka... hindi rin maaring manakot ka sa ibang tao" ani kong tukoy doon sa ginawa niya sa estudyanteng umupo sa upuan namin sa klase ni Prof. Chavez.

"Kontrolin mo yang temper mo, minsan kung hindi naman kailangang magalit or kapag maliit lang na bagay lumayo ka na lang sa gulo... uso rin ang diplomasya" malumanay kong sabi.

Hindi ito umimik na tahimik lang na nakikinig.

"Kung may ayaw ka o hindi ka sang ayon, pwede mo namang sabihin ng maayos sa tao ng hindi mo sila nasasaktan o napagbubuhatan ng kamay" ani ko pang muli habang nilalapat ko ang yelo sa kamay nito.

Tahimik pa rin ito.

'Hindi pa nga magaling ang sugat mo, may panibagong sugat ka na naman" ani kong ipinaharap itong sinuri ang mukha niya.

"Patingin nga" ani kong ipinaharap itong malugod namang sumunod.

Marahan kong hinaplos ang sugat nito na ang iba'y pagaling na rin.

"Wag masyadong mainitin ang ulo okay?" ngiti kong sabi ng humawak ito sa kamay kong inilagay nito labi niyang hinalikan ng marahan.

Ramdam ko ang init ng hininga nito, ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm sorry if I got you scared, hindi na mauulit" malumanay at mahinang sabi nito.

Tumango akong ngumiti ng tipid. Hindi ito bumitaw sa kamay kong tumungong humaplos doon ng marahan.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon