Chapter 4

13.7K 433 21
                                        



***


" Akin na 'yan. Salamat nga pala kanina at ako na rin ang magpapasa kay Prof. bukas" paalam ko.

"Okay" aniyang inabot sa akin ang gawa niya. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ko kaya napaangat ako ng tingin.

"M-may kailangan ka pa ba?" kunot noo kong tanong habang nagliligpit dahil inaasahan ko nang mauuna na siyang umalis.

Umiling itong napasuklay sa buhok niya.

"Sige na, ako ng bahala dito... nasa akin naman na lahat ng specifications" sagot ko.

"N-no.. it's not that, d-do you want me to bring you home?" alangang tanong nito.

"Huh?"

"I mean, may sasakyan naman kasi ako at medyo madilim na" sagot niyang napahawak sa batok niya.

"Ah eh, hindi na... okay lang ako, saka sanay na ako, dyan lang ako ang sakayan" sagot ko.

"Uuwi ka na ba or maghihintay ka pa ng ilang minuto dito?" tanong niyang muli.

"Huh?" Takang tanong kong sagot.

"K-kasi madalas kitang makitang nagiintay dito bago umuwi lalo na kapag sarado na ang library" diretsong sagot nito.

Gulat akong napatitig dito, hindi ako makaisip ng sasabihin.

"H-hinihintay ko kasi ang kapatid kong matapos sa school para sabay na kaming makarating ng bahay" sagot ko.

"And hindi mo na ako kailangang ihatid , okay lang ako promise... pasakay na rin ako" dugtong ko.

"U-uhm, are you sure? I can drop you to the FX station if you want" sagot nitong muli.

Napangiti ako. Taliwas sa masungit , napakaseryoso , intimidating at bad boy na Liam ang kaharap ko ngayon na malumanay magsalita.

"Salamat sa concern" sinsero kong ngiti na humawak ako sa braso niya.

"Okay then, hihintayin na lang kitang makasakay then aalis na rin ako" aniya.


*

Hindi ako makatulog, natulog si Dylan sa sarili niyang kwarto. Pasado alas dos na ng madaling araw, naisip kong tulog na sina Aunte Minda at Uncle Roman kaya lumabas ako ng kwarto makakuha ng inumin.

Dahan dahan akong nagtungo sa kusina.

Gulat akong halos mabitawan ko ang baso ko ng naramdaman kong may humawak sa baywang ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa takot. Ikinukulong ako nito sa bisig niyang mula sa likuran.

"Ang bango mo..." rinig kong sabi ni uncle Roman inaamoy ang buhok ko mula sa likuran at dumadampi ang bibig sa bandang leeg ko, nakakapanindig balahibo! Napapikit akong ramdam ko ang paghawak nito sa isang parte ng dibdib kong pumisil doon at saka humawak sa bibig kong tinakpan iyon.

"B-iti-w-an n-niyo ak uhmmp!" sabi kong pilit na nagpumiglas. Buong lakas kong pumiglas ngunit iginiya ako sa gilid ng kusina, sandaling lumuwag ang pagkakahawak nito sa bibig ko kaya kinagat ko ito at ibinuhos sa kanya ang hawak kong mainit na gatas.

"P***tang*na! Cielo" galit na sabi nitong nagpunas ng mukha na hawakan ang palapulsuhan ko hinaglit ako kaya nagmadali akong tinuhuran ito sa ibaba niya.

" Walang hiya kayo! Ang baboy niyo" sabi kong lakas na itinulak ito. Nagmadali akong humakbang papasok sa kwarto kong hingal at hangos.

Napapikit akong humawak sa dibdib ko, wala akong magawa kundi maiyak at mahikbi ng tahimik. Pansin ko ang pasa sa palapulsuhan ko at konting pasa sa gilid ng labi ko, malamang sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon