Chapter 16

11K 327 21
                                        


***

"Kuya!" bati ng kapatid ko na tumakbo papalapit sa kanya. Napakakumportable ni Dylan sa kanya. Sumunod na lang akong palapit din.

"Hi..." ngiti nito. Pansin ko ang liwanag ng mukha nito kumpara kaninang umaga ng masaling ko siya ng inihatid ako.

"Bakit ka pa sumundo? sabi ko naman hanggang three lang ang pasok ko ngayon diba?" ani ko.

"Nakatulog ka man lang ba? " dagdag ko pang tanong.

"Oo naman" ngiti nitong malapad. Napakunot noo ako.

"May nakakatawa ba sa tinanong ko?" ani kong di napigilan na tinanong habang pinagbubuksan ako ng pinto, nauna na si Dylan sa likod.

Umikot ito sa driver's seat.

"Wala naman, it's just that you look concerned kung nakapagpahinga man lang ba ako" aniyang nagmanehong sumulyap bahagya sa gawi ko at saka sa daan.

"Ha, a eh syempre, alam kong nagpuyat ka sa plates mo tapos inihatid mo pa si Dylan at saka ako, tapos ngayon sumundo ka pa ulit. Hindi mo naman kailangang gawin ng lahat ng ito Liam, sobra sobra na ang pagpapatira mo sa amin-" sagot kong sumabad agad.

"Hindi kayo abala okay, I like what I am doing right now. I am at peace knowing that both of you are safe" seryosong sagot nitong diretso sa pagmamaneho. Di ako nakaimik, kahit si Dylan sa likod ay tahimik lang din.

"Is it okay aayain ko sana kayong kumain sa labas, para hindi ka na rin magluto" aniyang basag sa katahimikan.

"Oo kuya, kasi kailangan ko rin pong dumaan ng bookstore may bibilhin akong project" sabad ni Dylan mula sa likuran.

"Cielo..."

Tumango akong sumang ayon.

*

Kumain kami sa isang restoran sa loob na rin ng mall na siyang nagpilit magbayad. Dumaan na rin kami ng National Bookstore para sa ilang kakailanganin ni Dylan.

"Salamat" ani ko ng pagkarating namin ng condo niya.

"Sorry nga pala ulit kaninang umaga" dagdag ko pang muli bago umakyat ng kwarto namin para makapagbihis.

"It's okay" sagot nitong ngumiti naman.

"U-uhm,Liam.. a- ano kasi si Mia-" ani kong sinabaran ako agad.

"Mia again? pwede bang wala munang Mia ngayon?" pagod nitong sagot na siyang tinanguhan kong nahingi ng dispensa dito, siguro sa ibang araw ko na lang sasabihin sa kanya.

Napahiga ako sa kama pagkatapos kong maghilamos at magbihis, pansin kong wala na si Dylan na malamang ay bumaba ito pagkabihis. Iniisip ko ang sitwasyon namin, bagama't mas maigi na malayo kami sa bahay ng tiyahin ko ay namromroblema ako sa sitwasyon namin ni Mia. Malaki ang pagkagusto niya kay Liam.

I need to make a plan. Mas maaga mas ikabubuti ng lahat.

Magaalas otso pa lang ng gabi, hindi pa din naakyat si Dylan kaya naisipan kong babain. Pansin ko seryoso nilang pagnood ng palabas sa TV. Basketball.

"Talo ka na kuya!" tawa ni Dylan sa tabi habang hawak ang isang libro.

"Matagal pa yan, limang minuto pa" sagot ni Liam na natatawa rin.

Pinagmamasdan ko lamang sila ng mapalingon sila sa gawi ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Talo na si Kuya ate!" tawa ni Dylan.

Napangiti lamang ako, nakakatuwang tingnan si Dylan na masaya at parang walang problema, kumportable siya sa kung nasaan kami ngayon.

"Matulog ka na, pagkatapos niyan... nag aral ka ba?" tanong ko.

"Opo, gawa na lahat ng assignments ko, nagtanong nga ako kay Kuya Liam kung marunong siya ng project ko" aniyang hindi tumitingin sa akin at focus lang sa pinapanood nila. Pansin ko ang pagsulyap ni Liam na ngumiti ng bahagya.

Panay ang kantiyawan nila, halos patapos na ang pinapanood nila ng tumayo akong tumungo sa kusina para makakuha ng inumin.

"Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Liam na halos mabitawan ko ang baso sa gulat. Napahawak pa ako sa kaliwang dibdib ko, hindi ko naramdaman na sumunod ito sa akin.

"U-uhm.. sorry" aniya.

"Ginulat mo ako eh, may kailangan ka ba?" tanong ko.

Umiling ito.

"You look tired and worried, okay ka lang ba?" malumanay na tanong nitong tumabi sa ref.

"Oo naman, g-gusto mo ba ng inumin? Kape or juice?" tanong ko.

Hindi ito umimik na tumitig lamang.

"Ako ate, pwede mo ba akong igawa ng gatas?" sabat ni Dylan na sumunod na rin at umupo sa tabing upuan sa tabi ni Liam.

"Ikaw?" tanong kong muli.

"Kape na lang" sagot nito.

Naglabas na rin ako ng binili nitong pastries at umupo ako sa tabi ni Dylan na siyang tanging nagsasalita sa aming tatlo. Matama lamang ako nakikinig sa usapan nila, maya't maya ring nasulyap sa gawi ko si Liam marahil naninimbang din ng sasabihin.

"Matulog ka na pagkatapos mong mag ayos ng mga gamit mo" baling ko kay Dylan na kinuha ang ginamit naming mga baso para mahugasan, pansin ko ang pagtayo ni Liam na tumabi sa akin.

"Ako na ang maghuhugas niyan" ani nito.

"Ako na" sagot ko.

"Ako na" aniyang pilit na pumwesto na rin sa tapat ng sink.

"Liam ako na" giit ko. Tatlong baso lang naman iyon at isang platong pinaglagyan ng pastries.

"I can do it Cielo" aniyang pilit na kinuhuha ang hugasin sa akin.

"Ako na, magpahinga ka na...kaya ko na ito" pilit ko din dahil di naman kabigatan ang gawang iyon.

"I'll do it"

"Ako na" giit ko.

"Stop being hard headed Cielo" malumanay na sabi nito.

"Hindi na-" ani kong ng sumabat si Dylan.

"Ah, Ate/ Kuya ako na po... ako na ang maghuhugas niyan" aniyang pumagitna sa amin kay napausog ako ganundin si Liam

"Ano po bang meron sa hugasin na ito at pinag aagawan niyo pa po?" tanong ni Dylan

Hindi ako umimik na tumungo na lamang paakyat.

"Hey... sandali, galit ka ba?" malumanay na tanong nitong humabol sa akin paakyat.

Napabuntong hininga akong umiling.

"Sorry, stress lang" sagot ko.

"Is this about Mia?" mahinang tanong nito.

"I'm sorry Cielo, but I can't do it. I don't like her" sabi nito.

"Naintindihan ko, pasensiya na... medyo kinukulit lang niya ako, paano na lang kung malaman niyang dito kami nakatira. Ang totoo niyan... nakiusap siyang ayain kitang lumabas kasama siya" sagot ko.

"Bakit ba kasi hindi siya makaramdam na ayaw ko sa kanya? I mean she's too obvious that she likes me kahit noon pa man but I don't like her Cielo" sagot nito.

"Pasensiya ka na" ani ko.

"I'll talk to her one of these days" aniya.

"U-uhm, c-can you at least consider sa date na yun? pagisipan mo lang" ani kong umaasa.

"I'll think about it, but I will not make any promises" aniya.

"Salamat Liam" ngiti ko.

"So okay ka na?" aniyang muling tinanguhan ko.

"Mabuti naman, you know, it's easier to engage in a fight than dealing with cold or silent treatment from you" aniyang napangiti.

***

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon