Chapter 19

11.2K 338 18
                                        




***

Medyo halata pa rin ang galos niya sa mukha kinaumagahan.

"Anong nagyari sayo kuya?" tanong ni Dylan kinaumagahan. Hindi umimik si Liam na ngumiti lang na umiling.

"Dylan..." saway ko.

"Sorry po, akala ko si Ate ang may gawa niyan. Siya lang naman ang nakaaway mo kahapon" ngisi ng kapatid kong nangaasar pa.

"Dylan!" saway kong muli.

"Sorry po" aniyang muli kay Liam.

"Pasensiya ka na, masyado ang kumportable tong isang 'to" hingi ko ng dispensa.

" It's okay" tawa ni Liam na humaplos sa ulunan ni Dylan.

"Patingin nga, masakit pa ba?" ani kong lumapit na sinuri ang sugat nito sa mukha at kamay.

"Tsk! Medyo halata pa ang gasgas mo, may pasok ka di ba?" tanong ko.

"Okay lang, hindi naman na masakit, this not new anymore. Sanay naman akong makita ng mga tao sa University na may ganito" ngisi niyang sagot.

"Kahit pa, lagyan natin ng cream bago ka pumasok" ani kong inutusan si Dylan na kuhain ang gamot.

Pinahiran kong pansin ang sandali nitong pagngiwi.

"Sorry..., kung bakit naman kasi laging pinapairal ang init ng ulo" ani kong pansin ang pananahimik nito kaya napatingin akong nakatitig lang ito. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tinapos ang paglalagay ko ng gamot sa mukha niya. Patapos na ako ng marahan nitong kinuha ang kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya.

"Thank you" aniya.

Tumango lang akong ngumiting kumalas na tinalikuran ito. Ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ito maari at hindi ito pwedeng mangyari.


Nagprisinta pa siyang maghugas ng pinagkainan namin ngunit tinanggihan ko, may mga gasgas pa ito sa kamay.

"Wala kang pasok?" aniyang tanong.

"Wala, nagmove yung prof ko ng class, full load ako bukas" sagot ko.

"Sa coffee shop?" tanong nitong muli. Nakabihis na siya na inaantay na lamang si Dylan.

"Wala din"sagot ko.

"Hindi ka lalabas?" tanong nitong muli.

Umiling ako.

"Dito lang ako, saka wag ka ng susundo kay Dylan ha, ako na mamaya" sagot ko ng pababa ang kapatid ko.

"Wow, ate wala kang pasok? Masarap niyang ang lulutuin mo" aniyang pumalakpak pa.

"Oo na, magluluto ako" sagot ko.


*

Gumawa ako ng gawaing bahay, nakapagluto na rin ako para sa pananghalian at hapunan namin. Naisip kong ako ang susunod na magbabayad ng groceries namin, gumawa na rin ako ng mga plano para sa mga susunod na linggo.

Halos magtatanghali na, abala ako sa paghahanap at paglilista sa internet ng pwede naming malipatan ni Dylan, yung malapit sa eskwelahan niya ng marinig ko ang yabag sa baba.

"O, umuwi ka?" tanong ko ng maabutan si Liam sa sala.

"Oo eh, dito ako maglalunch" aniyang ngumiti. Mas maliwanag na ang mukha niya kaysa kagabi.

Tumango akong bumaba.

"Kumain ka na?" tanong niya.

Umiling ako.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon